From the Philippine Information Agency (Feb 6, 2019): Tagalog News: 9th ID pinaigting ang kampanya kontra insurgency
LUNGSOD NG NAGA - - Mas pinaigting ng kasundaluhan sa rehiyon Bicol lalo na dito sa Lalawigan ng Camarines Sur ang kampanya kontra insurgency.
Noong Sabado, Enero 2, nakaharap ni 9th Infantry (Spear) Division Commander Major General Fernando T. Trinidad sa kampo ng 83rd Infantry Battalion, Barangay Mabalodbalod, Tigaon, Camarines Sur ang mga myembro ng media sa ginanap na Press Briefing sa naganap na engkwentro sa probinsiya ng Camarines Sur at Awarding Ceremony.
Matatandaan na anim na CPP-NPA Terrorists Group (CNT) ang napatay at maraming high-powered firearms ang naagaw sa nangyaring engkuwentro sa Barangay Lupi, Tinambac, Camarines Sur bandang alas 6:25 ng umaga noong Enero 30.
Ayon kay Trinidad, hindi sila tumitigil sa kampanya alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tapusin na ang insurgency sa bansa.
Nanawagan siya sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nasa bundok na bumaba na, magbalik loob sa pamahalaan at tanggapin ang alok na tulong ng gobyerno.
Sinabi ni Trinidad na dalawa lang naman ang puwedeng gawin ng mga kalaban ng pamahalaan. Una, bumaba sila at tanggapin ang alok na tulong ng pamahalaan na may magandang programa ngayon at ang pangalawang optio nila, na makipaglaban sa mga tropa ng pamahalaan.
Ipinaliwanag ni Trinidad na isa sa mga programa ng gobyero para sa mga sumukong rebelde ay ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) na may kumpletong package. Anya, sa pagbaba ng mga magbabalik loob sa pamahalaan ay mayroon silang matatanggap na tulong, pera at tirahan.
https://pia.gov.ph/news/articles/1018056
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.