Ang Bayan
November 21, 2018
Hindi natitinag, bagkus ay matatag na nilabanan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at rebolusyonaryong mamamayan sa Zamboanga Peninsula ang tuluy-tuloy na pag-atake ng mga pasistang tropa at mga lokal na espiya ng rehimeng US-Duterte. Ang sumusunod ay ilan sa mga tagumpay nila sa nakaraang anim na buwan (Mayo-Setyembre 2018):
Noong Mayo, nagbalak na maglunsad ng isang malawakang operasyong militar ang 42nd IB sa Zamboanga del Norte sa imbing layuning durugin ang BHB sa erya. Ngunit bago pa man sila makapagpatama sa anumang yunit ng hukbong bayan, dumanas na sila ng pagkabigo noong Mayo 18.
Ginapang ng isang yunit ng BHB ang nakatigil na siksbay na trak ng 42nd IB at nilagyan ng eksplosibo ang ilalim nito. Nagresulta ang pagsabog nito sa pitong sundalong patay at tatlong sugatan. Lubusan ding nawasak ang sasakyan. Naganap ang insidente isang kilometro mula sa hedkwarters ng batalyon sa bayan ng Kalawit.
Noong Mayo 30, nakasamsam ang BHB ng tatlong M16, isang pistolang 9mm at 13 magasin, bala at iba pang gamit militar mula sa dalawang pulis sa itinayo nitong tsekpoynt sa Sityo Tanggupon, Barangay Mauswagon, bayan ng Godod.
Mabuting tinrato ng BHB ang dalawang nabihag na pulis na agad ding pinalaya. Bunsod nito, nagkomento ang isang upisyal ng pulis na mali ang kanyang pagtingin na masasamang tao ang mga Pulang mandirigma ng BHB.
Noon namang Hulyo 23, bigo ang 42nd IB at mga elemento ng CAFGU na kubkubin ang nagpapahingang mga Pulang mandirigma sa magubat na bahagi ng Sityo Kulasian, Barangay Kulalian, Kalawit. Naunahan ng taliba ng BHB ang sumasalakay na kaaway. Pagkatapos ng 30 minutong labanan ay umatras ang mga sundalo dala-dala ang kanilang mga kaswalti. Pito sa kanila ang napatay at isa ang nasugatan.
Noon namang Agosto 21, napinsalaan ng BHB ang nag-ooperasyong tropa ng 67th IB sa engkwentro sa Barangay Delokot, bayan ng Godod.
Sinusuyod noon ng 67th IB ang magubat na erya sa hangganan ng Godod at Kabasalan. Bagong dating noon sa lugar ang yunit at gustong magpakitang gilas. Noong umaga ng Agosto 23, tinangka nilang salakayin ang pwesto ng BHB sa lugar. Pero dahil alerto na ang mga Pulang mandrigma, maagap silang nakapagpaputok laban sa nagmamaniobrang kaaway. Pinasabugan din nila ang sumasalakay na tropa.
Naagaw ng kaaway ang pinagkampuhan ng mga Pulang mandirigma. Gayunman, pawang hangin, punong kahoy at walang taong mga burol lamang ang natatamaan ng winaldas nilang libu-libong bala. Habang ligtas na nakaatras ang BHB, limang sundalo ang kumpirmadong napatay at tatlo ang nasugatan, kabilang ang isang CAFGU.
Inamin ng isang upisyal ng Philippine Army ang kanilang kabiguan sa pagsasabing “Maswerte ngayon ang BHB. Nasa superyor silang pusisyon, una silang nakapagpaputok samantalang tayo’y nagtatangka pa lang makakuha ng paborableng pusisyon.”
Koresponsal mula sa West Mindanao

[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.