Wednesday, October 24, 2018

CPP/NPA-Sorsogon: Pagpupugay sa mga Dakilang Martir at Bayani ng Mamamayan!

NPA-Sorsogon propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Oct 24): Pagpupugay sa mga Dakilang Martir at Bayani ng Mamamayan!

Samuel Guerrero
Tagapagsalita
Celso Minguez Command – BHB Sorsogon

October 24, 2018

Nakikiisa ang Celso Minguez Command-BHB Sorsogon sa paggunita ng All Soul’s Day ngayong darating na Nobyembre 1, 2018. Ang araw na ito ay panahon ng pag-alaala sa mga pumanaw na mahal natin sa buhay.

Taas-kamaong nagpupugay ang rebolusyonaryong kilusan sa bawat Pulang kumander at mandirigma na nag-alay ng pinakamataas na antas ng kanilang sakripisyo para sa bayan. Hindi kailanman matatawaran ang kanilang kabayanihan sa pag-aambag ng kanilang talino at lakas upang buong husay na isulong ang makatarungang digma na tunay na magpapalaya sa sambayanang Pilipino.

Hindi maisasantabi ng rebolusyonaryong kilusan ang mga pangalang humugis sa kasaysayan ng pagpupundar at pagpapalakas ng kilusan sa probinsya. Magmula kina Lorena “Ka Ligaya” Barrios, Celso “Ka Fox” Minguez, Dr.Juan Escandor hanggang kina Frankie Joe “Ka Greg ” Serrano, Cristine “Ka Nel” Puche,Ted “Ka Garry” Palacio, Andres “Ka Magno” Hubilla at marami pang iba. Sa kanilang pagkamatay, hindi ito naging dahilan ng panghihina ng mga kasamang naiwan bagkus mas lalong nagpursige sa gawaing pang-oorganisa dahilan upang libu-libo pa ang muling lumitaw at gumampan ng kanilang mga naiwang tungkulin.

Inaalala din ng rebolusyonaryong kilusan maging ang mga biktima ng pamamaslang sa ilalim ng rehimeng US-Duterte at kanyang mga kasapakat na AFP-PNP gamit ang Oplan Kapayapaan.Sila yaong mga hindi tumigil na ilantad ang kabulukan ni Duterte, nanawagan ng tunay na reporma sa lupa, regularisasyon sa manggagawa, pambansang industriyalisasyon at pambansang kasarinlan.

Sa anu’t-anuman, hangga’t may inaapi at pinagsasamantalahan ang naghaharing-uri, patuloy na lalaban ang mamamayan para sa tunay at pambansang pagbabago. Sa gabay ng Marxismo-Leninismo-Maoismo, patuloy na aabante ang demokratikong rebolusyong bayan.

Pagpupugay sa mga martir at bayani ng rebolusyong Pilipino!
Mamamayan, Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

https://www.philippinerevolution.info/2018/10/24/pagpupugay-sa-mga-dakilang-martir-at-bayani-ng-mamamayan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.