LUNGSOD NG BUTUAN - Ipagpapatuloy ng militar ang pagtugis sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines, the New People's Army, and the National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) dito sa Caraga Region.
Ito ang mensaheng binigyang-diin ni Major General Ronald Villanueva sa kanyang pakikipanayam sa media kamakailan, kasabay sa ika-46 na selebrasyon sa anibersaryo ng 401st Brigade, Philippine Army sa Camp Datu Lipus Makapandong, New Leyte, Barangay Awa, Prosperidad, Agusan del Sur.

Ayon kay Villanueva, ang 4ID ay nakapokus sa kanilang development support and security plan – kapayapaan sa Armed Forces, kung saan ang 4ID ay may joint campaign plan kasama ang Police Regional Office sa Region 10 at 13.
Nagsasagawa umano sila ng clearing operations sa Guerilla Zones at dismantling o pagkalas sa Guerilla Fronts sa probinsya ng Agusan del Sur at Surigao del Sur.
Dagdag pa ni Major General Villanueva, marami na umano napasukong NPA ang ibat-ibang batalyon ng 4ID at nakatanggap na rin ng tulong mula sa gobyerno.
Hinimok din niya ang mga local government units at local chief executives na tulungan at suportahan sila sa kampanyang ito at mas lalo pang paigtingin ang implementasyon ng kanilang mga programa at serbisyo at maiparating ito sa ibat-ibang komunidad ng rehiyon lalung-lalo na sa liblib na lugar kung saan ang karamihan sa mga naninirahan dito ay sinasamantala ng mga teroristang NPA na sumanib sa kanilang grupo.
Maliban sa mga sundalo, may mga nadagdag pa umanong CAFGUs na nagbabantay at nagsisiguro sa proteksyon ng mga mamamayan sa mga komunidad.
Ayon naman kay Brigadier General Andres Centino, ang komander ng 401st Brigade, Philippine Army, mas pinagtibay pa umano nila ang kanilang maayos at magandang samahan at relasyon kasama ang mga Indigenous Peoples sa probinsya ng Agusan del Sur at Surigao del Sur at tinutulungan nila ito sa pagresolba ng kanilang mga issues and concerns.
Pinaparating din niya sa mga residente sa malalayo o liblib na lugar na ang gobyerno ay patuloy na nagbibigay ng mga programa at serbisyo na tumutugon sa kanilang pangangailangan, ayon na rin sa mahigpit na mandato ng Presidente.
Samantala, hinimok din ni retired Brigadier General Rogelio Villanueva, ang pang-siyam na kumander ng 401st brigade at siya ring naging panauhing pandangal sa anibersaryo ng 401st brigade, na ang mga sundalo, lokal na pamahalaan at ahensya ng gobyerno, kasama ng mga mamamayan ay magkaisa at sama-samang labanan ang terorismo at mamuhay nang matiwasay sa maunlad na rehiyon.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.