Wednesday, July 25, 2018

Tagalog news: 7ID, patuloy ang pagresponde sa mga naapektuhan ng habagat

From the Philippine Information Agency (Jul 25): Tagalog news: 7ID, patuloy ang pagresponde sa mga naapektuhan ng habagat



Ang aktwal na pagresponde ng hanay ng mga kasundaluhan ng Army 7th Infantry Division sa mga nabiktima ng nakaraang bagyo sa mga lalawigan ng Bataan at Pangasinan. (Army 7th Infantry Division)
 
FORT MAGSAYSAY, Nueva Ecija -- Patuloy ang pagresponde ng Army 7th Infantry Division o 7ID sa mga naapektuhan ng habagat na pinalakas ng mga bagyong Henry, Inday at Josie.
 
Ayon kay 7ID Commander Major General Felimon Santos Jr, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD) sa Ilocos Region at Gitnang Luzon upang tukuyin ang mga maaaring itulong mula sa pagresponde, pamamahagi ng relief goods, pagsasaayos ng mga kakalsadahan at iba pa.

Pinuri ni Santos ang mga kasundaluhan sa mabilis at maaasahang pagtulong gaya ang pagsagip sa tatlong tao kasama ang pitong-buwang sanggol na na-trap sa kanilang tahanan sa lalawigan ng Bataan.

Makaaasa aniya ang lahat sa maagap na pagtulong ng mga kasundaluhan gayundin ay pagbabantay sa lagay ng panahon at kaayusan ng komunidad.
 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.