Wednesday, July 25, 2018

Tagalog News: 10 sundalo ng 401st Brigade, Philippine Army pinarangalan

From the Philippine Information Agency (Jul 25): Tagalog News: 10 sundalo ng 401st Brigade, Philippine Army pinarangalan

LUNGSOD NG BUTUAN - Pinarangalan ang may 10 sundalo ng 401st Brigade, Philippine Army kasabay ng ika-46 na anibersaryo ng nasabing brigade sa Camp Datu Lipus Makapandong, New Leyte, Barangay Awa, Prosperidad, Agusan del Sur.

Napag-alaman na dahilan sa kanilang dedikasyon sa tungkulin bilang sundalo at katapangan sa mga naisagawang combat operations sa probinsya ng Agusan del Sur at Surigao del Sur na naging kontribusyon sa tagumpay at pagkakahuli ng ilan-ilang miyembro ng teroristang New People’s Army (NPA) at pagkakasabat ng mga firearms at ammunitions at mahahalagang dokumento mula sa NPA, ay naparangalan ang 10 sundalo na nagmula sa 26th Infantry Battalion, 75th Infantry Battalion, 9th Special Forces Company at 3rd Special Forces Battalion sa ilalim ng 401st Brigade.
 
Si Major General Ronald Villanueva, kumander ng 4th Infantry Division mismo ang nagsabit ng parangal kasama si Brigadier General Andres Centino, kumander ng 401st Brigade sa sampung magigiting na sundalo na nakilalang sina Technical Sargeant (Tsg) Joseph Frago, Staff Sargeant (Ssg) Joseph Hulibayan, 2Lt. Begie de Jesus, 1Lt. Bryan Villena, 1Lt. Rogie Munos, Sgt. Joel Manalo, Sgt. Rogelio Baroro, Corporal Artemio Ubo, Ssg. Ronie Dador, at Sgt. Maurino Mohammad.

Ayon kay Brigadier General Centino, ang ginawang pagbibigay parangal ay parte ng selebrasyon ng 401st Brigade sa kanilang mga matagumpay na pagsasawa ng kanilang misyon sa kanilang area of responsibility.

Hinimok din ni Major General Villanueva ang mga local government units at local chief executives na tulungan at suportahan sila sa kampanya laban terorismo at mas lalo pang paigtingin ang implementasyon ng mga programa at serbisyo ng gobyerno at maiparating ito sa ibat-ibang komunidad ng rehiyon lalung-lalo na sa liblib na lugar kung saan ang karamihan sa mga naninirahan dito ay sinasamantala ng mga teroristang npa na sumanib sa kanilang grupo.
 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.