Sunday, July 22, 2018

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: MILF masaya sa pagkakapasa ng BBL

From the Mindanao Examiner (Jul 21): Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: MILF masaya sa pagkakapasa ng BBL

Masaya ang pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front matapos na pumasa sa bicameral committee ng Kongreso ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law na siyang gagabay sa isinusulong na awtomiya sa Mindanao.

Sinabi ni Mohagher Iqbal, ang pinuno ng MILF peace panel, na halos 90% ng orihinal na bersyon ng BBL na isinumite ng Bangsamoro Transition Commission ang naipasa sa Kongreso sa kabila ng pagtutol dito ng ilang mga mambabatas na may mga negosyo at lupain sa rehiyon na mapapasailalim ng bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.



Mohagher Iqbal

Agad rin nagpasalamat si Iqbal, na isa rin vice chairman ng MILF committee on information, sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagsusulong nito sa BBL. “The MILF is extremely happy with the version of the law that will create a Bangsamoro entity to replace the Autonomous Region in Muslim Mindanao,” ani Iqbal.

Inaasahan naman na masisimulan sa lalong madaling panahon ang pagliligpit sa mga armas ng dating rebeldeng grupo, ngunit posibleng abutin pa ito ng ilang taon bago maipatupad. Bahagi rin ito ng probisyon sa interim peace deal na nilagdaan ng pamahalaan at MILF noong 2014.

Ipatutupad naman sa Nobyembre ang isang plebisito upang tuluyang maging batas ang BBL at maisama sa bagong rehiyon ang ibang lalawigan at barangay na nais mapaloob sa Bangsamoro homeland.

Hataman

Naglabas rin ng pahayag si ARMM Gov. Mujiv Hataman sa pagkakapasa ng BBL at ito ang kabuuan ng kanyang sinabi:


Gov. Mujiv Hataman

“The bicameral conference committee on the Bangsamoro Basic Law of the 17th Congress has finished its important task – to approve its report and submit its final draft of a landmark legislation that is essential to acknowledging and addressing the injustices the people of the Bangsamoro region have endured for decades. The House of Representatives and Senate drafts of the BBL have been consolidated, and is now known as the Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.” It now awaits the president’s ratification.

This is not the first document that has been drafted and deliberated upon in the hopes of bringing peace to the Bangsamoro, a region where the people have become witnesses to historical injustices from one generation to another. We pray that this new proposed legislation would bring us closer to the dreams our forefathers had for us, and would help us finally realize the future our mujahideen have fought for.

Despite the difficult obstacles we have had to overcome together in the hopes of not only reforming but rebirthing an institution that represents our people, we are now closer that ever to having a regional government that is reflective of our times and is responsive to the most urgent needs of the Bangsamoro.

But more than being a law set on paper, this new Organic Law is now a piece of our history — one that speaks of our struggle as we assert our rights as a people, and of the sacrifices we share together with the Filipino people who were unwavering in their belief and commitment to meaningful development, lasting peace and justice for all.

This law finds meaning not just in the halls of government, but in the communities that have bore the brunt of conflict and injustice against our people. To full realize the peace and development we wish for our people, this law must be upheld always in favor of those who are oppressed and marginalized in our midst. Let us not cease being vigilant. Let us continue the good work that we have started, and make sure that this law will exist not just as mere words on paper, but as a covenant of peace held close to the hearts of our people.

This is not the end. Today, we continue to take steps towards the right direction in our journey to peace as we write a new chapter in our continuing narrative towards claiming our rights as people of the Bangsamoro.”

Struggle

Pinuri naman ni Rep. Amihilda Sangcopan, ng Anak Mindanao party-list, ang pagkakapasa sa BBL matapos ng isang linggong pagbabalangkas dito.

“Getting to the point where there actually is a BBL was not an easy fight—especially not for us Moro legislators who bore the moral obligations of true representation, to be their voices in this august chambers, more so, our forebears who sought in every arena possible to push for a peaceful and just resolution to almost half a century of struggle for self-determination. Bearing in mind what future Moro generations need, we have done to the utmost all we can to make sure that whatever the final form the BBL takes, Moros will have something better than the status quo that is the Autonomous Region in Muslim Mindanao,” ani Sangsopan.

“Collectively, it was a tedious journey, full of pains and learning. Words are not enough to describe the mental and emotional anguish of recalling past aches and bringing into open old wounds. This too, is part of the process of our struggle. This too, tested our wits and convictions as a people. This too will hopefully cement us as one people, paying homage to those who came before us and fought for the Moro’s best interests and aspirations, across our narrative, the story of how we came to be and where we are today. Without their sacrifices and their efforts, we would not be here, on the cusp of true autonomy for the Bangsamoro,” dagdag pa nito.

Salamat Pangulo

Nagpahayag rin ng kagalakan si Ghazali Jaafar, ang vice chairman ng MILF for political affairs, sa resulta ng deliberasyon ng Kongreso sa BBL.

“Una nagpapasalamat po tayo ng buong puso sa mahal nating Pangulo at pinanindigan niya ang commitments at pangako sa atin lahat at sa ilalim ng kanyang pamumuno, under his presidency, ay maisasakatuparan yun kahilingan ng mga Muslim at maraming tribo na maitayo ang Bangsamoro government,” ani Jaafar.


Ghazali Jaafar

Kabilang sa ARMM ang lalawigan ng Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao at Lanao del Sur; gayun rin ang lungsod ng Isabela at Marawi, subalit sa bagong rehiyon ay posibleng mapasama ang ilang mga barangay sa Cotabato City at 6 na bayan sa Lanao del Norte.

Islamic State
Sinigurado naman ni Jaafar na hindi magiging Islamic State ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at mahigpit na ipatutupad ang demokrasyo dito.

“Unang-una, sa aking paningin ang pinakamahalagang bagay na dapat malaman ng mga kababayan natin sakop ng proposed Bangsamoro Government – at ng buong Pilipinas – na ito ay tatawaging Bangsamoro, in short, ay democratic government ito. Inclusive siya, everyone, ibig sabihin nasa mamamayan at ito’y kasama ang gobyerno, at ito po’y may demokrasya. Paiiralin at yung pagpili sa mga mamumuno ay according to democratic process, at yung mga mamumuno nito, they will not rule, but they will govern, at ito po ay hindi Islamic State, at may lugar po ang lahat, every individual non-Muslims, IPs (indigenous peoples) and Christians can fully participate. Anyone who qualifies to run for political position, participated ng mamamayan, they can become officials ng Bangsamoro Government,” paliwanag pa ni Jaafar.

Parliament

Ipatutupad rin sa Bangsamoro autonomous region ang parliamentary form of government, ayon kay Jaafar at ito ay pamumunuan ng isang Chief Minister na may dalawang deputy Chief Ministers, at mayroon rin Speaker of the Parliament na kabibilangan ng Head Chairman at may mga reserved seat para sa mga kinatawan ng IP, Kristiyano, religious sectors, Kabataan at maging ang mga Sultan o royal families at hindi na rin sila kailangan sumailalim sa isang eleksyon. Nasa 80 ang magiging miyembro ng naturang parliament.

“Ang arrangement po, yun parliament is raised by the Moro Islamic Liberation Front, so in this case, we will recommend to our President kung sino yung gusto nating maging miyembro ng parliament, so ibig sabihin kung 80 ang members ng parliament, 40 or 41 ang magiging miyembro ng parliament that will be recommended by us and appointed by the President. Yung remaining 39 na miyembro ng parliament to make it 80, pipiliin po ito ng mahal nating Pangulo sa iba’t ibang probinsya na sakop nitong Bangsamoro Government, and another thing na sa palagay ko na kailangang malaman ng mamamayan, ay yung Bangsamoro Transition Authority, kapag nandiyan na yung batas, ay kailangan pong merong caretaker government, and yung caretaker government ay yung Bangsamoro Transition Authority.”

“It will be January or February 2019, uupo napo ang Bangsamoro Transition Authority at ang members nito will be appointed by the President at maliban dun sa 41 members that the MILF and the 39 that will be selected by the President, kasama po yung miyembro ng kasalukuyang Regional Legistrative Assembly ng ARMM, bilang miyembro in order to finish the terms ng panunungkulan ng miyembro ng Legislative Assembly ng ARMM and this will expire on June 30, 2019. Kung mag-eexpire na yun, aalis na sila bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority, at hindi na mae-extend ang kanilang membership,” wika pa ni Jaafar.

ARMM employees tagilid
Ngunit nanganganib naman ang libo-libong empleyado ng iba’t-ibang ahensya sa ARMM dahil kailangan nilang mag-apply muli ng trabaho, bagama’t sinabi ni Jaafar na ia-absorb muna pansamantala ang mga ito sa pagpasok ng bagong liderato sa Bangsamoro autonomous region.

“Tungkol don sa mga empleyado, teachers or guro, learned workers, ibig sabihin niyan ang mga doctor, mga nurses, at iba pa, mga social workers, will be absorbed. Hindi po sila gagalawin, mananatili sila sa kanilang position. Yung more or less 6,000 ay gradually aalisin sila sa kanilang mga position, but we assure everyone na ang gobyernong ito ay hindi magiging discriminatory, at inclusive ito to everyone, ibig sabihin yung qualified na empleyado, mag-apply po sila, at kung sila’y qualified they will be appointed by the appointing authority ng gobyernong yun at ito po ang more or less mangyayari,” sabi pa ni Jaafar.
 

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.