NPA-Kalinga propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines Website (Feb 2): Magkasunod na TO sagot ng BHB sa Pasismo ng 50IB
NPA-Kalinga (Lejo Cawilan Command)
2 February 2018
Dalawang magkasunod na taktikal na opensiba (TO) ang isinagawa ng mga pulang madirigma ng Lejo Cawilan Command (LCC) – NPA Kalinga nito lamang huling linggo ng Enero. Enero 18, 6:30 ng umaga ay hinaras ng isang yunit ng LCC ang CAA detatsment sa Brgy. Allaguia, Pinukpuk. Enero 24, bandang alas-10 ng umaga, inambush ng LCC ang mga nagpapatrolyang tropa ng 50IB sa Turod Bongod, boundary ng Brgy. Dao-angan, Balbalan at Brgy. Baay, Pinukpuk kung saan tatlo ang kumpirmadong nasawi gabang dalawa ang sugatan sa panig ng militar habang walang ano mang kaswalti ang NPA.
Ang mga taktikal na opensibang ito ay bahagi ng serye ng mga aksyong militar na isasagawa ng LCC na sa kabuohan ay ambag sa pambansang panawagan na biguin ang todo-gera ng rehimeng US-Duterte laban sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan. Sa partikular, ito ay upang dusahin ang pasistang tropa ng 50IB na siyang instrumento ng terorismo ng estado sa probinsya at pangunahing investment security forces bg mga malalaking kapitalistang kumpanya ng minas at mga proyektong pang-enerhiya na umaagaw at sumisira sa likas yaman ng Kalinga.
Lantad at di na maikakaila ng 50IB ang napakarumi nitong rekord ng pang-aabuso, pandarahas at panloloko sa mga mamamayan ng Kalinga. Sa lahat ng operasyong militar ng isinasagaw nito ay palaging may paglabag sa karapatang-tao. Nitong huling taon, tampok sa mahahabang listahan ng human rights violations (HRVs) ng 50IB ang: panggigipit, pagharang at pagsabotahe sa sasakyan ng mga delegado ng 33rd Cordillera Day at pagpapakalat ng saywar upang pigilan ang mga dadalo sa nasabing aktibidad sa Sitio Bulo, Balantoy, Balbalan; helicopter straffing at pag-antala sa kabuhayan ng mga residente ng Brgy. Balbalasang, Balbalan; hindi pagrespeto sa karapatan ng hors de combat na si Elorde “Ka Alay” Miguel at pambababoy sa bangkay nito; at pagkubkob at walang-habas na pagpapaputok sa gitna ng mga kabahayan sa Sitio Masait, Mabaca, Balbalan at pagratrat ng bala sa isang binatilyong sibilyan. Dagdag pa rito ang makailang-ulit na ilegal na pagpasok at paghahalighog sa mga kabahayan ng sibilyan, paninira, panununog at pagkumpiska ng mga kagamitan ng masa, walang-habas na pamamaril, pagpapakalat ng saywar at pananakot, at sapilitang pag-aresto at pagpapasurender sa mga sibilyan.
Matingkad din ang paggamit ng AFP ng social pressure sa partikular ang “IP-centric approach” kung saan pinagsasamantalahan nito ang katutubong kaugalian ng mga tribo. Halimbawa sa Kalinga, inaabuso ng 50IB ang tradisyin ng Bodong o Peace Pact sa pagitan ng mga tribo upang magsongil ng indemnity para sa mga nasawi nitong binodngan o lokal na tropa sa mga labanan sa pagitan ng AFP at NPA na sa katunayan ay ginagamit ito bilang pangpressure sa tribong pinagmulan ng mga NPA upang ang tribo mismo ang magpasurender sa mga kasama. Makailang ulit na ring may pumutok na tribal war sa pagitan ng mga tribo dahil sa panunulsol ng AFP kahit pa matagal ng nailnaw na labas sa usapin ng tribo at bodong ang mga tropa ng AFP-PNP-CAFGU at NPA dahil ang interes ng uring pinaglilingkuran at hindi ng tribo ang ipinaglalaban ng mga ito. Isa pa, pinaigting ng AFP ang rekrutment sa hanay ng mga pambansang minorya upang maabuso at samantalahin nito ang kaalaman sa tereyn at kultura, kaugalian ng “kinabagyan/kinailyan” o pagiging magkamag-anak o kababayan na nagdudulot ng gulo at di pagkakaintindihan sa pagitan ng mga masa at tribo.
Sa mga ganitong klase ng gawain lalong pinatutunayan ng AFP-PNP-CAFGU-Paramilitar kung sino ang tunay na terorista. Ang mga paglabag at pagsasamantalang ito ay maliwanag na terorismo, maliwanag na kontra-mamamayan, at maliwanag ba dapat mapanagot ang 50IB.
Ang mga aksyong militar na ito ay pagtalima ng LCC sa tungkulin nitong protektahan at ilaban ang interes ng masang pinaglilingkuran nito. Ito rin mismo ang kahilingan ng masa na mapanagot at madusa ang pasistang militar. Mulat at putuloy na ipinaglalaban ng mga mamamayan ang kanilang mga demokratikong karapatan at kaisa nila ang kanilang tunay na hukbo, ang BHB.
Asahang papatindi at papalawak ang mga taktikal na opensiba sa probinsya upang sa isang banda na rin au salubungin ang ika-50 taon ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas. Magsilbi itong babala sa 50IB at lahat ng kaaway ng rebolusyon, walang makakatakas sa rebolusyonaryong hustisya. Malinaw na kontra-mamamayang interes ang pinagsisilbihan ng AFP-PNP-CAFGU kaya naman dapat iwasan ang ganitong trabaho.
Labanan ang todo-gera ng rehimeng US-Duterte!
Irespeto at itaguyod ang karapatang-pantao!
Naindasigan a gubat, saan a gubat-tribu!
Mabtad! Ipannawagan! Agserbi iti umili, sumampa iti NPA!
Sumampa sa NPA at paglingkuran ang sambayanan!
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.