From the Mindanao Examiner (Oct 28): MILF nagpatawag ng plenum ukol sa BBL
Magpapatawag ng isang general assembly ang Moro Islamic Liberation Front ukol sa nakabinbin na isyu sa Bangsamoro Basic Law na muling nanganganib matapos na ito’y almahan g mga mambabatas dahil sa umano’y probisyon na labag sa Konstitusyo.
Sinabi naman ng MILF na ikakasa nito ang Malaking pagpupulong ng mga rebelde at supporters sa susunod na mga araw sa Barangay Simuay sa bayan ng Sultan Kudarat, isa sa mga kuta ng naturang grupo. Tinatayang aabot sa kalahating milyon katao ang dadalo sa plenum.
Kinumpirma rin ito g Ghazali Jaafar, ag deputy vice chairman ng MILF, at sinabing muli nilang ipaliliwanag sa mga miyembro ag estado ng BBL na nabasura noong nakaraang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino dahil sa mga probisyon nitong labag sa Konstitusyon at isa rito ang pagpapalawig sa nasasakupan ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Naunang sinabi ni Zamboanga Rep. Celso Lobregat na hindi nito papayagan na mapasama ang lungsod sa mga lugar na isasailalim sa Bangsamoro homeland. Si Lobregat rin noon ang isa sa mga matinding bumatikos sa BBL.
Nabatid na maraming mga rebelde ang hidi na mapakali sa kabiguan g MILF na pursigihin ang pagpasa ng BBL sa Kongreso. Nangako nama si Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan nito ng priority ang BBL, ngunit federalism nama ang isinusulong nito ngayon at kahit noon ito ay hindi pa nangangampanya at hanggang sa kanyang pagkapanalo sa pagka-presidente.
Lumagda ng interim peace deal ang MILF noon 2014 at tanging BBL na lamang ang hinihintay nito upang tuluyang lagdaan ang peace agreement sa pamahalaan.
http://mindanaoexaminer.com/milf-nagpatawag-ng-plenum-ukol-sa-bbl/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.