Monday, September 11, 2017

Tagalog news: Bayanihan Mural, ipinakita ng NOLCOM sa publiko

From the Philippine Information Agency (Sep 10): Tagalog news: Bayanihan Mural, ipinakita ng NOLCOM sa publiko

Pormal nang ipinakita ng Armed Forces of the Philippines Northern Luzon Command o NOLCOM sa publiko ang Bayanihan Mural na nasa loob ng Camp Servillano Aquino.

Sa isang pahayag, sinabi ng NOLCOM na ipinapakita nito ang maraming makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Binigyang-diin din ng NOLCOM ang halaga ng Bayanihan kung saan magsisilbi itong walang katapusang paalala at mensahe para sa mga susunod na henerasyon.

Ang mga pintor ng nasabing mural ay sina Wiljun Magsino, Amadeo Cristobal, Mark Garcia, at Wil Joseph Magsino.

http://pia.gov.ph/news/articles/1000170

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.