Tuesday, June 27, 2017

Tagalog News: 4CMO Battalion may bago ng commander

From the Philippine Information Agency (Jun 27): Tagalog News: 4CMO Battalion may bago ng commander

Pormal ng umupo bilang bagong Civil Military Operations (CMO) officer ng 4th CMO Kasaligan Battalion si Lieutenant Colonel Rico Amaro na nakabase dito sa lungsod.

Sa ginanap na Change of Command Ceremony kamakailan, pormal ng tinanggap ni Lt. Col Amaro ang kanyang bagong tungkulin at responsibilidad bilang commanding officer ng Kasaligan Battalion.

Si Lt. Col. Amaro ay dating battalion commander ng 30th Infantry Battalion, Philippine Army na nakadestino sa Surigao del Norte.

Ayon kay Lt. Col. Amaro, ipagpapatuloy niya umano ang nasimulang mga makabuluhang proyekto at inisyatibo ng dating CMO officer na si Lieutenant Colonel Manuel Valdez IV, na ngayon ay madedestino na rin sa 4th Infantry Division headquarters sa Cagayan de Oro City.

Anya, mas paghuhusayan pa niya ang kanyang tungkulin sa bagong posisyon, at kasama ng kanyang mga tauhan sa CMO battalion ay mas lalo pa nilang patatatagin ang magandang relasyon sa komunidad na kanilang sinasakupan maging sa mga ahensiya ng gobyerno.

Binigyang-diin din ni Lt. Col. Amaro na palagi siyang tutugon sa mga issues and concerns na maaaring maibahagi rin sa kanya ng mga media partners upang umano ay agaran ding matugunan ang mga concerns ng mga tao sa ibat-ibang barangays na sikop nila at maipagpatuloy ang mga peace and development efforts ng 4th CMO Battalion.

Ipinahayag naman ni Lt. Col. Valdez ang kanyang lubos na pasasalamat sa suporta at dedikasyon ng kanyang mga tauhan sa CMO Battalion sa kanilang mga naging operasyon. Samantala, binati rin ni 4ID asst. division commander Brigadier General Cristobal Zaragoza ang bagong CMO officer at sinabing kampante siya na magagampanan ng mabuti ni Lt. Col. Amaro ang mga serbisyo na inaasahan sa kanya.

http://news.pia.gov.ph/article/view/2041498529024/tagalog-news-4cmo-battalion-may-bago-ng-commander

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.