Friday, April 28, 2017

DWDD: 2 KARAGDAGANG FIGHTER JETS, DUMATING NA SA BANSA

From DWDD AFP Civil Relations Service Radio Website (Apr 27): 2 KARAGDAGANG FIGHTER JETS, DUMATING NA SA BANSA

fa50

Sampu (10) na ang FA 50 lead-in fighter jets ng Sandatahang lakas ng Pilipinas, makaraang dumating sa bansa kahapon ang dalawa (2) pang FA 50 mula sa South Korea.

Ito ang inihayag ni Philippine Air Force (PAF) spokesman, Col. Antonio Francisco, anya ang mga FA aircrafts assist ng AFP ay gagamitin sa ibat-ibang operasyon kontra sa mga bandidong grupo lalo na sa bahagi ng Mindanao.

Sinabi naman ni AFP Chief of Staff Eduardo Año, ang dalawang jet fighters na dumating kahapon ng umaga sa Clark Air base sa Air Force City, Pampanga., na may tail number 009 at 010 ay agad na isasa-ilalim sa pagsubok bago naman ipapadala sa bahagi ng Mindanao.

Matatandaan na ang mga nasabing fighter jets ay ilan lamang sa bahagi ng AFP modernazation program ng AFP na sinimulan noong panahon ni dating pangulong Benigno Aquino III, mula sa Korea Aerospace Industries na binili sa halagang P18 bilyon, kaugnay na din sa pagpapalakas ng pwersa ng military.

http://dwdd.com.ph/2017/04/27/2-karagdagang-fighter-jets-dumating-na-sa-bansa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.