Sunday, March 5, 2017

NDF/NDF-Rizal: Dalawang Katutubong Dumagat patay sa All-Out War ng Rehimeng Duterte

NDF-Rizal propaganda statement posted to the National Democratic Front Website (Mar 3): Dalawang Katutubong Dumagat patay sa All-Out War ng Rehimeng Duterte (Two Indigenous Dumagat dead in All-Out War of the Duterte Regime)

Katarungan para kay Edwin Agnote at iba pang biktima ng Oplan Kapayapaan ng Rehimeng Duterte

Arman”Ka. Arms” Guerrero
Tagapagsalita
NDFP-Province of Rizal
Marso 3, 2017

Muli na namang pininsala ng “All Out War” ng Rehimeng Rodrigo Duterte ang ordinaryong mamamayan. Dalawang katutubong Dumagat ang pinatay ng mga sundalo ng Rehimeng Duterte na kabilang sa 80th Infantry Battalion-PA. Walang awang pinagbabaril ng mga tropa ng 80th IB-PA ang 2 sibilyan na kabilang sa mga Katutubong Dumagat at Remontados kahapon, Marso 2, 2017 bandang alas 10 ng umaga.

Ang katutubong si Edwin Agnote kasama ang isa pang Dumagat ay inabot sa kanilang taniman sa Sitio Dapis, Puray, Montalban, Rizal ng mga nag-ooperasyong tropa ng 80th IB-PA. Agad silang hinuli at pinaratangang mga kasapi ng NPA. Sa kabila ng pagsasabi nila ng totoo na sila ay ordinaryong sibilyan at hindi myembro ng NPA ay binaril pa rin sila ng mga militar. Niratrat ng mga sundalong armado ng matatataas na kalibre ng baril ang katawan ni Edwin Agnote at isa pang Dumagat na kasama niya. Matapos patayin ay naglabas ng pahayag ang 2nd ID-PA sa pamamagitan ng Public Information Officer nito na si Army Captain Xy-son Meneses na sina Edwin Agnote na tinawag nilang “Ka. Egay” ay mga tagasuporta ng NPA at NPA din ang pumatay sa kanila. Malinaw sa mga sundalo na sibilyan si Edwin Agnote pero pinatay pa rin nila at para pagtakpan ang kanilang krimen ay ibinintang sa NPA ang pagpatay para pasamain ang imahe ng NPA sa mata ng publiko at mamamayan.

Subalit malinaw pa sa sikat ng araw ang katotohanan na mga sibilyan ang kanilang pinatay. Hindi maitatago ng kanilang mga nilubid na pahayag ang katotohanan. Tinatawagan namin ang mga myembro ng “press” at “mass media” alamin ang katotohanan batay sa tunay na pangyayari. Inaanyayahan namin kayo na pumunta sa Puray, Montalban para magsiyasat at alamin sa mga residente ang tunay na nangyari. Maari silang magsimula sa pagtatanong sa mga opisyal ng barangay sa nasabing lugar.

Nananawagan din kami sa mga nagmamahal sa kapayapaan at katarungan sa bayan ng Montalban at sa lalawigan ng Rizal na kondenahin ang atake sa mga katutubong Dumagat at Remontado at mga “extra-judicial killing” na bumibiktima sa mga Katutubo at ordnaryong sibilyan. Dapat na palayasin ang mga berdugong tropa ng 80th IB-PA sa Lalawigan ng Rizal at ipatigil ang “All Out War” ng Rehimeng Duterte dahil ang tunay na pinipinsala nito ay ang mga Katutubo at mga ordinaryong mamamayan na pangunahing nakatira sa mamamayan.

KATARUNGAN PARA KAY EDWIN AGNOTE AT IBA PANG BIKTIMA NG KARAHASANG MILITAR!

 LABANAN AT IBASURA ANG ALL OUT WAR NG REHIMENG DUTERTE!

 LABANAN ANG KONTRA-MAMAMAYANG OPLAN KAPAYAPAAN NG REHIMENG DUTERTE!

 LABANAN ANG “EXTRA-JUDICIAL KILLING’ SA ILALIM NG REHIMENG DUTERTE!

https://www.ndfp.org/dalawang-katutubong-dumagat/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.