From the Philippine Information Agency (Aug 15): Tagalog News: PMA entrance exam isasagawa sa lungsod ng Dagupan sa Agosto 21 (PMA entrance exam conducted in Dagupan City on August 21)
Sa Agosto 21, magsasagawa ang Philippine Military Academy (PMA) sa University of Pangasinan ng entrance examination para sa mga nais maging kadete.
Ayon sa PMA, ang naturang pagsusulit ay ang kauna-unahang hakbang sa proseso ng pagpili para sa cadetship sa premyadong leadership training school sa bansa.
Ang mga nais kumuha ng pagsusulit ay kinakailangang natural-born Filipino citizen; may taas na 5 feet; physically-fit; may magandang asal; single at hindi pa ni minsan ikinakasal; high school graduate kung saan ang mga nagtapos ng hayskul noong taong 2015, bago ipatupad ang K-12 program , ay maaaring mag-apply; at walang administrative o criminal case.
Ang mga papasa sa naturang eksaminasyon ay magiging bahagi ng PMA Class 2021 na opisyal na sasalubungin naman sa akademya sa isang Oath-Taking Ceremony and Reception Rites na gaganapin sa Abril 1, 2017.
Para sa mga karagdagang impormasyon, tumawag sa (074) 447-3686, (074) 447-2632 local 6751, 6752, Smart - 0928-559-7651, Sun Cellular - 0943-705-6890, Globe - 0917-896-4299 o sumulat sa Office of Cadet Admission, Philippine Military Academy, Fort Gen. Gregorio H. Del Pilar, 2602, Baguio City.
http://news.pia.gov.ph/article/view/1941471186259/tagalog-news-pma-entrance-exam-isasagawa-sa-lungsod-ng-dagupan-sa-agosto-21
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.