Friday, April 22, 2016

Larawan ng 2 “spy” na pinugutan ng jihadist, inilabas ng ISIS

From the Mindanao Examiner (Apr 21): Larawan ng 2 “spy” na pinugutan ng jihadist, inilabas ng ISIS (Photograph of 2 "spies" who were beheaded by (Filipino) jihadists, released by ISIS)



LANAO DEL SUR – Inilabas ng mga jihadists sa ISIS channel ang brutal na pagpatay nito sa dalawang magkapatid na lalaki na kabilang sa 6 na dinukot sa Lanao del Sur, isa sa 5 lalawigan ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa naturang mga larawan, makikita sina Salvador Hanobas, alias Tado; at Makol Hanobas, alias Macky, na nakaluhod at may piring ang mga mata at suot ang kulay orange na damit tulad ng mga bihag ng ISIS sa Syria, habang nakapaligid ang mga maskaradong jihadists.

Ipinakita rin ng mga ito ang pugot na ulo ng magkapatid sa naturang propaganda. Pinakawalan ng grupo ang 4 – Julieto Hanobas, Alfredo Anoos, Gabriel Permites at Adones Mendez – na pawing mga sawmill operators at kasamahan nina Salvador at Makol na inakusahang ng mga jihadists sa ilalim ni Abdullah Maute alias Abu Hasan – na siya rin nasa likod ng madugong atake sa bayan ng Butig nitong buwan lamang.

Noong nakaraang buwan, pinugutan ng ulo ng grupong Ansarul Khilafah ang isang lalaki na pinaghinalaang rin spy ng pulisya. Nadakip umano ang di-pa nakikilalang lalaki na umano’y taga-General Santos City habang nagiikot sa ilang mga barangay sa Sarangani.

Naglabas pa ng video ang ISIS sa karumal-dumal na pagpatay sa 43-anyos na biktimang Kristiyano ito. “This jāsūs (spy) was roaming and sniffing around the area of the Ansaru’l Khilafah Philippines in Saranggani Province,” pahayag pa ng ISIS.

Ang Ansarul Khilafah – na karamihan ay nakabase sa lalawigan ng Maguindanao at Lanao del Sur sa Autonomous Region – ay naunang nagpahayag ng suporta sa ISIS noong nakaraang taon. Kaalyado nito ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at ilang mga commanders ng Moro Islamic Liberation Front at kabilang sa mga miyembro nito ay pawing mga Indonesian at Malaysian jihadists.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.