Saturday, February 27, 2016

North Cotabato naka-alerto dahil sa atake ng NPA

From the Mindanao Examiner (Feb 27): North Cotabato naka-alerto dahil sa atake ng NPA (North Cotabato on alert for attacks by the NPA)

Doble ngayon ang seguridad sa North Cotabato province matapos na birahin ng mga hinihinalang rebelde ang isang patrol team ng lokal na pulisya sa bayan ng Matalam.

Pinasabugan ng bomba ng mga umano’y New People’s Army ang naturang patrol na kung saan ay lulan ang hepe ng pulisya na si Senior Inspector Sonny Leoncito at tatalong mga tauhan nito sa bayan ng Matalam kamakalawa ng umaga.

Patungo sana ang mga parak sa isang pagpupulong ng pasabugan sila ng mga rebelde at nakipaglaban pa sa grupo ni Leoncito. Wala naman inulat na sugatan o nasawi sa panig ng pulisya, ngunit wasak naman ang harapan ng kanilang sasakyan.

Tumakas rin ang mga salarin bago pa man dumating ang reinforcement ng pulisya sa Barangay Kibia na kung saan binira ng NPA ang grupo ni Leoncito.

Kahapon ay may mga checkpoints ng inilagay ang pulisya at nasa mataas na alerto na rin ang mga ito kasunod ng naganap na atake.

http://mindanaoexaminer.com/north-cotabato-naka-alerto-dahil-sa-atake-ng-npa/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.