Wednesday, February 24, 2016

5 terorista bulagta sa sagupaan

From Abante (Feb 24): 5 terorista bulagta sa sagupaan  (5 terrorists killed in clash)

Limang suspected terrorists ang nasawi habang isa ang sugatan sa naganap na higit isang oras na pakikipag-engkuwentro sa militar sa Bayabao Poblacion, Butig, Lanao del Sur.
 
Ayon kay Col. Roseller Murillo, commanding officer ng 103rd Brigade ng Philippine Army (PA) na nakabase sa Camp Ranao sa Marawi City, nakaengkuwentro ng militar ang may 300 kasapi ng grupo ng Foreign and Local Terrorist Organization (FLTO).
 
Sinasabing hinaras ng mga terorista ang patrol base ng Charlie Company ng 51st IB at ang 2nd Platoon ng 5th Mechanized Infantry Battalion ng PA noong Sabado kaya nagsimula ang bakbakan.
 
Bukod dito, nakasagupa rin ng militar ang tinaguriang Maute Brothers na pinaghihinalaang kaalyado ng nasabing terrorists group.
 
Sa sagupaang ito, umalalay sa militar ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na agad namang tumulong na ilikas ang mga residenteng apektado sa labanan.
 
Gumamit ng dalawang MG520 attack helicopters ang militar upang ilunsad ang airstrike noong Linggo.
 
Sa nasabing bakbakan, wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa panig ng mga sundalong nakasagupa.

http://www.abante.com.ph/news/vismin2/42943/5-terorista-bulagta-sa-sagupaan.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.