Monday, January 4, 2016

Sayyaf dedbol sa labanan

From the Mindanao Examiner (Jan 4): Sayyaf dedbol sa labanan

Napatay diumano ng militar ang isang Abu Sayyaf sa panibagong sagupaan ngayon Lunes sa bayan ng Patikul sa lalawigan ng Sulu na kung saan ay patuloy ang opensiba ng pamahalaan kontra rebeldeng grupo.

Nabawi rin sa labanan ang tatlong automatic rifles at mga bala, kabilang ang dalawang motorsiklo, na naiwan ng mga rebelde sa kanilang pagtakas mula Barangay Liang. Walang inulat na sugatan sa panig ng militar.

Nabatid na naglunsad ng operasyon ang Marine Battalion Landing Team 8 sa nasabing bayan ng makasagupa ang isang grupo ng mga rebelde. Kamakailan lamang ay nakasagupa rin ng mga tropa ang maraming Abu Sayyaf sa naturang lugar at isang tinyente ng army ang nasawi sa labanan.

Tatlong bata rin ang tinamaan ng ligaw na bala sa bayan na kilalang kuta ng Abu Sayyaf. Hindi nagbibigay ng anumang pahayag sa media ang alkalde ng Patikul sa mga nagaganap sa kanyang lugar.

http://mindanaoexaminer.com/sayyaf-dedbol-sa-labanan/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.