Nadakip ng mga tropa ng pamahalaan ang isang hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) nang makasagupa ang mga umano’y miyembro ng rebeldeng grupo sa Gen. Nakar, Quezon, iniulat ng pulisya kahapon.
Nakasagupa ng mga elemento ng Army 80th Infantry Battalion
ang apat na hinihinalang rebelde sa liblib na bahagi ng Sitio Sari, Brgy.
Lumutan dakong alas-12 ng tanghali Sabado, ayon sa ulat ng Quezon provincial
police.
Walang naiulat na nasugatan sa magkabilang panig, pero
nadakip ng mga kawal ang isang hinihinalang rebelde, ayon sa ulat.
Di pinangalanan ang nadakip, pero sinabi sa ulat na nasa
kostudiya na ito ng mga tropa ng 80th IB sa Baras, Rizal.
Samantala, nakasagupa naman ng mga pulis ang isa pang grupo
ng mga hinihinalang kasapi ng NPA sa Claveria, Masbate ,
nitong Linggo ng tanghali.
Nagsasagawa ng internal security operation ang mga elemento
ng 5th Regional Public Safety Battalion nang mabangga ang di mabatid na bilang
ng armado sa hangganan ng Brgys. Mabiton at Taguilid, sabi ni Senior Insp.
Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police.
Umabot sa 30 minuto ang sagupaan. Walang naiulat na
nasugatan sa mga pulis.
http://bandera.inquirer.net/109396/rebelde-dakip-sa-engkuwentro-sa-quezon
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.