NDFP National Democratic Front of the Philippines
Pahayag sa Midya
Hulyo 17, 2015
Mistulang sirang plaka si 9th ID PIO Capt. Marjorie Pamela Panesa sa pagngangawngaw ng gasgas na linya ng mga dating tagapagsalita ng 9th ID na ang umano’y nagaganap na malaganap na mga taktikal na opensiba ng Bagong Hukbong Bayan sa Bikol ay pagpapapansin lamang ng isang desperadong pwersa.
Kapos ang pag-unawa ni Panesa na ang mga aksyong militar na ito sa maraming panig ng rehiyon ay bahagi ng pagpapaigting ng NPA-Bicol ng makatarungang digma at patunay ng paglakas at pag-ani ng suportang masa ng tunay na hukbo ng mamamayan.
Malaking sampal sa 9th IDPA ang mga opensiba ng NPA-Bicol sa kabila ng pagdeklara na “Conflict Manageable And ready for further development” na umano ang mga prubinsya ng rehiyon. Ang tanging napapaniwala nito ay ang mga mapagsamantala’t mapang-aping hindi magkamayaw na pumiga sa likas na yaman at lakas-paggawa ng rehiyon.
Hindi mauupos ang rebolusyonaryong diwa ng NPA-Bicol at patuloy itong lalaki at lalakas para mag-ambag sa pagkamit ng estratehikong patas ng digmang bayan. Laging handang mag-alay ng buong panahon at buhay ang NPA-Bicol upang ipagtanggol ang mamamayan at isulong ang kanilang interes na magtatag ng lipunang tunay na malaya, maunlad at makatarungan.
Mabuhay ang Rebolusyong Pilipino!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Maria Roja Banua
Tagapagsalita
NDF-Bicol
Ipinaskil ni NDFP Bicol Information Office sa 12:07 AM
http://www.philippinerevolution.net/statements/20150717_patuloy-na-lumalakas-ang-bagong-hukbong-bayan-sa-bikol

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.