CAMP ELIAS ANGELES Pili, Camarines Sur – Kasabay sa flag raising ceremony ng 9th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase dito ay isinagawa rin ang Pinning of Ranks at Oath Taking ng walong bagong babaeng kawal ng dibisyon ngayon, Hunyo 15.
Kasunod ng Pinning of Ranks bilang mga Privates ay isang Oath Taking Ceremony
din ang ginananp kung saan nanumpa ang nasabing mga bagong babaeng sundalo na
magsisilbi sila ng buong puso sa mga kababayang Bikolano.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni BGen. Ignacio A. Obligacion,
assistant division commander ng 9ID.
Ang
pagkaka-promote ng mga nasabing kawal ay simbolo ng mga responsibilidad na
ipinagkaloob sa kanilang mga balikat bilang regular na miyembro ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas.
Bahagi ang nasabing mga Private ng Candidate Soldier Course Class 382-2014 na
binubuo ng 52 lalaki at 78 na babae na sinanay sa Training and Doctrine
Command, Camp O’Donnell sa Capas, Tarlac kung saan walo ang quota para sa 9ID.
Nakatakdang
i-destino ang nasabing mga bagong babaeng kawal sa mga Infantry Battalions at
Infantry Brigades na nasasakupan ng 9th Infantry Division.
inakamababang rango man sa organisasyon ng Philippine Army ang Private, malaki ang pagpapahalaga dito ng pamunuan ng 9ID dahil ang bawat kawal ay may mahalagang papel na ginagampanan para sa paglilingkod sa bayan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.