FORT RAMON
MAGSAYSAY – Ipinahayag ng 7th Infantry Division- Philippine Army
ang pangangailangan ng karagdagang kasundaluhan na magsisilbi sa bansa.
Ayon kay Division
Public Affairs Officer Captain Mark Anthony Ruelos, aabot sa 152 na bagong
kasundaluhan ang kailangang marecruit ng dibisyon sa kasalukuyang pagtanggap ng
mga bagong aplikante.
Matatandaang
sinimulan nitong ika-11 ng buwan ang pagpaparehistro sa mga nagnanais pumasok
sa pagkasundalo.
Kasunod aniya
nito ay isasagawa sa darating na ika-27 hanggang ika-29 ng Mayo ang Pre-
Medical Checkup para sa mga nakapagsumite ng kanilang mga papel.
Dagdag pa ni
Ruelos, ang bawat nagnanais maging miyembro ng Hukbong Katihan ay dadaan din sa
Trade Test upang suriin ang taglay na kaalaman at kakayanan na angkop sa
pagiging sundalo.
Ang makakapasa
aniya rito ay didiretso sa Physical at Medical Examination na kailangan para sa
pagsisimula ng kanilang pagsasanay.
Bago ang kanilang
unang salang sa pagtitraining ay sasailalim muna ang mga aplikante sa
balidasyon na pangungunahan ng Headquarters, Philippine Army upang matiyak na
kanilang naabot ang panuntunan ng pagiging sundalo.
Samantala, inaasahang magsisimula sa darating na ika-28 ng Setyembre, taong kasalukuyan ang Candidate Soldiers Course sa 7th Division Training School sa loob ng kampo Magsaysay.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.