Saturday, March 7, 2015

Malaysian ransom kapalit ng dinukot na parak

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Mar 7): Malaysian ransom kapalit ng dinukot na parak (Malaysian ransom in exchange for abducted policeman)

Pinalaya ng Abu Sayyaf ang dinukot nitong Malaysian policeman kapalit ng malaking halaga ng ransom sa lalawigan ng Sulu.

Nabatid na nitong Marso 6 pa pinakawalan si Kons. Zakiah Aleip, 26, matapos na magkabayaran sa bayan ng Indanan na kilalang kuta ng Moro National Liberation Front. Nitong Marso 7 ay nakabalik na sa Sabah si Aleip kasama ang mga Malaysian agents na sumundo sa kanya sa Indanan gamit ang speedboat.
Dinukot si Aleip noon June 12 ng nakaraang taon matapos na magsagupaan ang Abu Sayyaf ang ang grupo nito na ikinamatay ng isang Malaysian policeman. Naunang humiling ang Abu Sayyaf ng 5 milyon ringgits (P68.3 milyon) ransom kapalit ng kalayaan ni Aleip. 
Hindi pa matiyak kung magkanong ransom ang ibinayad ng Malaysia sa Abu Sayyaf, ngunit ayon sa ilang sources ng Mindanao Examiner regional newspaper ay tumulong umano sa negosasyon sina Mamih at Mandi Sangkulah, na parehong commander ng Moro National Liberation Front, at sila rin ang nasa likod ng paglaya noon ng mga Malaysian at Chinese nationals na dinukot ng Abu Sayyaf sa Sabah at dinala sa Sulu at Tawi-Tawi.
Nitong December ay pinalaya rin ng Abu Sayyaf si Malaysian fish breeder Chan Sai Chuin matapos ng 6 buwan pagkakabihag kapalit ang malaking halaga ng ransom sa grupo ng mga Sangkulah at sinundo rin ito ng mgfa Malaysian agents sa Indanan at saka dinala sa Sabah.
Agad naman sinakyan ng militar ang paglaya ni Aleip at pinalabas pa na dahil sa kanilang operasyon kontra Abu Sayyaf kung kaya't natakot ang rebeldeng grupo at isinuka ang kanilang bihag.
Hawak pa ng Abu Sayyaf si Japanese treasure hunter Katayama Mamaito, 68, na dinukot sa Pangutaran Island sa Sulu noon July 2010.
http://www.mindanaoexaminer.net/2015/03/malaysian-ransom-kapalit-ng-dinukot-na.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.