Sunday, December 21, 2014

CPP/NDF-RCTU: Ibagsak ang rehimeng US-Aquino! Itayo ang Gobyernong Bayan!

NDF/RCTU propaganda statement posted to the CPP Website (Dec 19): Ibagsak ang rehimeng US-Aquino! Itayo ang Gobyernong Bayan! (Overthrow the US-Aquino regime! Establish a People's Government!)

Logo.rctu
Revolutionary Council of Trade Unions
 
 
[Video: Revolutionary workers hold rally, hail CPP’s 46th anniversary
 
Hundreds of workers led by the Revolutionary Council of Trade Unions, together with other underground revolutionary organizations under the National Democratic Front of the Philippines, held a lightning rally in downtown Manila this morning to mark the 46th anniversary of the Communist Party of the Philippines.

Burning a US flag containing the pictures of US Pres. Barack Obama and Pres. Benigno Simeon Aquino III, the workers said 2014 marked a year of advances for the CPP because of the worsening socio-economic conditions of the workers and people resulting from the semi-colonial and semi-feudal system in the country and the global economic crisis.

“We are celebrating the 46th anniversary of the Communist Party of the Philippines. For almost 50 years now, the CPP has led the Filipino workers and people in achieving great victories in advancing the people’s war for national freedom, democracy and socialism,” Juan de Mayo, RCTU spokesperson, said.

The RCTU said that under the leadership of the CPP, the Philippine revolution continues to advance and is now at a level of strength that has never been reached by previous revolutionary movements in the country.

“The people’s war continues to gain strength. Because of the ever-worsening conditions in the country, more workers and oppressed masses are taking the path of revolutionary struggle, especially the armed struggle being waged by the New People’s Army,” de Mayo said.

He also said that with the CPP’s leadership, under the guidance of the ideology of Marxism-Leninism-Maoism, revolutionary workers and people are full of hope, confident of the Philippine revolution’s victory.

As it celebrates the CPP’s anniversary, the RCTU called on the Filipino workers and people to join the people’s war and intensify the struggle to overthrow the US-Aquino regime and in the process strengthen the struggle to establish a people’s democratic government.

“We call on Filipino workers and people to take part in the struggle to overthrow the US-Aquino regime, a struggle which will strengthen the people’s war against the bankrupt ruling system. Let us take part in the armed struggle, through which we can establish a People’s Democratic Government that is led by workers and peasants through their Party, the CPP,” de Mayo said.

RCTU on wordpress.com:
http://rctundfp.wordpress.com/2014/12...

http://rctundfp.wordpress.com/2014/12...

RCTU on philippinerevolution.net:http://philippinerevolution.net/state...

http://philippinerevolution.net/state...
 
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas! Kami ay mga rebolusyonaryong manggagawa at mamamayan sa ilalim ng National Democratic Front of the Philippines. Ipinagdiriwang namin ang mga dakilang tagumpay ng Partido Komunista ng Pilipinas sa apatnapu’t anim na taong pamumuno nito sa rebolusyong Pilipino.

Malagim ang kinabukasan ng mga manggagawa at sambayanan sa ilalim ng rehimen ni Noynoy Aquino! Kontra-manggagawa at kontra-maralita si Noynoy! Pinapatindi niya ang kahirapan at kagutuman natin. Binubundat niya sa labis-labis na tubo ang amo niyang imperyalistang Kano at mga gaya niyang malaking haciendero’t kapitalista!

Tulad ng lahat ng nagdaang pangulo, si Noynoy ay tuta ng kano! Kinakatawan niya ang paghahari-harian ng iilang hacienderot’t kapitalista! Siya ang tagapagtaguyod sa naagnas nang malakolonyal at malapyudal na lipunan! Lipunang bumubusabos at nagsasamantala sa ating mga manggagawa at buong sambayanan! Si Aquino, at ang lipunang tinataguyod niya, ay dapat nang magwakas! Dapat nang ibagsak!















Itinatayo ang demokratikong gobyernong bayan! Itatayo natin ang isang gobyernong naglilingkod sa interes ng masang anakpawis at buong sambayanan. Gobyernong pinamumunan nating mga manggagawa, sa pamamagitan ng ating Partido, ang Partido Komunista ng Pilipinas!

Manggagawa at mamamayan, lumahok sa digmang bayan, sumapi sa New People’s Army! Sa pamamagitan lang ng armadong rebolusyon natin maagaw ang pampulitikang kapangyarihan mula sa iilang naghahari-harian at mapagsamantala.
Ipagtagumpay ang pambansa-demokratikong rebolusyon! Sa tagumpay ng rebolusyong Pilipino, mapapalaya natin ang bansa mula sa pagsasamantala ng imperyalismong Kano, mawawakasan ang paghahari-harian ng mga bulok at kurakot na pulitiko, at maipapamahagi sa mga magsasaka ng malawak na lupaing kinamkam ng mga hacienderong gaya ni Aquino!

Nananawagan ang Revolutionary Council of Trade Unions, at iba pang rebolusyonaryong organisasyon sa ilalim ng NDFP, sa lahat ng mga manggagawa at mamamayang Pilipino, na tahakin ang landas ng rebolusyonaryong pakikibaka para sa tunay na kalayaan at demokrasya! Magtayo ng mga binhi ng rebolusyon sa bawat pagawaan, eskwelahan at komunidad. Yakapin natin ang pamumuno ng Partido Komunista Pilipinas!

Sa pamumuno at gabay ng Partido Komunista, natitiyak nating maipagtatagumpay ang pambansa-demokratikong rebolusyon! Mahahawan ang landas sa pagkamit ng isang lipunang tunay na malaya, lipunang walang pagsasamantala, lipunang may pagkakapantay-pantay, lipunan ng uring manggagawa, ang sosyalismo! Sa Partido Komunista, may maningning tayong hinaharap!

IPAGBUNYI ANG IKA-APATNAPU’T ANIM NA ANIBERSARYO NG CPP!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG NEW PEOPLE’S ARMY!
MABUHAY ANG NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES!
MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!
MABUHAY ANG REBOLUSYONG PILIPINO!
MANGGAGAWA AT MAMAMAYAN, LUMAHOK SA DIGMANG BAYAN!

http://www.philippinerevolution.net/statements/20141219_ibagsak-ang-rehimeng-us-aquino-itayo-ang-gobyernong-bayan

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.