NDF/KM propaganda video posted to the CPP Website (Nov 30): Lightning Rally para sa Ika-50 Taon ng Kabataang Makabayan
[Lightning Rally para sa Ika-50 Taon ng Kabataang Makabayan
https://www.youtube.com/watch?v=EsGMQTvd_7I]
Lightning Rally para sa Ika-50 Taon ng Kabataang Makabayan, Matagumpay na Inilunsad!
KM, Nanawagang Paigtingin ang Digmang Bayan, Sumapi sa NPA!
MAYNILA – Sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Kabataang Makabayan, halos 300 na mga kasapi ng Kabataang Makabayan (KM) ang naglunsad ng lightning rally noong Nob. 30 ng umaga, sa araw mismo ng pagkakatatag nito. Ang lightning rally ay nagsimula sa Quiapo patungong Recto Ave. hanggang sa Morayta.
Matagumpay na narehistro ng pagkilos ang mahalagang papel ng Kabataang Makabayan sa pagsisindi ng militanteng kilusang kabataan-estudyante noong dekada ’60 at sa pagsusulong nito hanggang sa kasalukuyan.
Ang mga kalahok sa pagkilos ay may bitbit na mga panawagang “Mabuhay ang ika-50 taon ng Kabataang Makabayan!”, “Ipaglaban ang Karapatan! Ibagsak ang bulok na sistema!”, “Pagtagumpayan ang pambansa-demokratikong rebolusyon!”, “Kabataan at mamamayan, lumahok sa armadong rebolusyon! Sumapi sa NPA!” at “Mabuhay ang CPP-NDF-NPA!” Habang nagmamartsa ay namahagi ng mga polyeto sa mga masa, nagsabit ng mga streamer, nagdikit ng mga poster, at nagpinta ng mga panawagang ito. Tampok ang naging pagladlad ng mga streamer sa mga estratehikong lugar tulad ng tulay sa Quiapo underpass at sa overpass malapit sa tarangkahan ng MalacaƱang.
Ang lightning rally ay isang tipo ng pagkilos sa kalunsuran kung saan ang mga kasapi ng lihim na organisasyon ng KM ay nananawagan ng paglahok ng mga kabataan at mamamayan sa demokratikong rebolusyong bayan at hikayatin silang sumapi sa NPA. Ang mga kalahok ay may tabing sa mukha upang itago ang kanilang mga identidad.
“Ang mga tagumpay na nakamit ng KM, sa ilalim ng pamumuno ng PKP, ay patunay na tumpak ang pagtahak ng mga mamayan sa rebolusyunaryong landas. Patuloy kaming magmumulat, mag-oorganisa at magpapakilos ng mga kabataan at mamamayan upang wakasan na ang malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino at pabagsakin ang paghahari ng imperyalismong US, kasabwat ang mga papet nitong panginoong maylupa at malalaking burgesya kumprador na kinakatawan ni Noynoy sa kasalukuyan. Ang tunay na pagbabagong panlipunan ay tanging makakamit lamang sa pagtahak natin sa landas ng armadong rebolusyon. Patuloy ang paglahok ng mga kabataan dito, hanggang sa tagumpay, hanggang sa pagtatayo ng sosyalistang lipunan, hanggang komunismo.” ani Ma. Laya Guerrero, tagapagsalita ng KM.
http://www.philippinerevolution.net/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.