Val Silang
Public Information Officer
NDFP Masbate Chapter
Public Information Officer
NDFP Masbate Chapter
Kinikundena ng NDF-Masbate at ng mamamayang masbatenyo ang halos isang buwan na walang puknat na pananalasa ng mga sundalo ng 93rd Division Reconnaisance Company(DRC) at 9th IB,PA sa mga bulubunduking baryo sa isla ng Ticao, Masbate.
Ang tuloy-tuloy na okopasyon at operasyong militar ay nagresulta sa malawakang pagkatakot ng mga tao sa lugar at dislokasyon sa kanilang pang araw-araw na pagsasaka at iba pang hanapbuhay. Tumataas na rin ang bilang ng mga biktima ng paglabag sa karapatan pantao na mga militar ang may kagagawan sa ilalim ng pamumuno nila Col Alden Juan Masagca at Major Armando Benito ng Task Force Masbate.
Ang ganitong hakbang ng mga militar ay nagdudulot ng kaguluhan at tuloy-tuloy na pang-aabuso sa mga residente partikular sa So. Guiwanon, Brgy. Danao, San Jacinto, at sa pito pang nakapaligid na mga baryo.
Sa katunayan, ang pinakahuling naging biktima ng mga berdugong sundalo ay ng walang awa nilang pagbabarilin ang isang opisyal sa baryo ng Danao na si Kgwd.Maritess Espenilla at dalawang pang katao na sina Michael Lignes at may apelyidong Domenguiano. Ang tatlo ay nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan.
Maging sa paglulubid ng kasinungalingan sa medya ay nagiging eksperto na rin ang mga opisyal ng 93rd DRC at 9th IB,PA matapos ituro na mga kasapi ng Bagong Hukbong Bayan-Masbate ang gumawa ng pamamaril. Para sa kaalaman ng mamamayang masbatenyo, hindi mga kasapi ng BHB-Masbate ang namaril sa tatlong sibilyan, at ang totoong bumaril sa tatlong biktima ay mga kasapi ng 93rd DRC at 9th IB,PA.
Ang mga hakbang na ito ng 93rd DRC at 9th IB,PA ay malinaw na paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).
Samantala, pinapabulaanan din ng NDF-Masbate ang napabalita sa Bombo Radyo-Legaspi na isa di umanong mataas na opisyal ng BHB Masbate ang nahuli ng PNP San Jacinto malapit sa kanilang istasyon sa Poblacion, San Jacinto.
Si Ybonni Victor na taga Brgy. Amutag, Aroroy, Masbate ay di kailanman naging kasapi ng BHB Masbate, bagkus kabilang ito sa mga grupong impostor na binuo at pinopondohan ng mga ahente sa paniktik ng AFP at PNP para sirain sa publiko ang imahe ng BHB Masbate na sa esenya ay bigo silang siraan dahil alam na ng mga Masbatenyo kung sino ang nagsisinungaling.

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.