NDF propaganda statement posted to the CPP Website (Nov 8): 9th IDPA, Makinarya sa Karahasan at Panunupil ng US-Base Laban sa Mamamayan
Paulit-ulit na nangyayari ang “tortyur” bilang gawain na isang pasistang mukha at patakaran sa loob ng mersenaryong hukbo ng 9th Infantry Division Philippine Army at buong mersenaryong sandatahang lakas ng estado. Sariwa pa sa ala-ala ng karamihan ng mga mamamayan, ang isang tortyur bidyu na pinadala mismo sa account ni dating tagapagsalita ng National Democratic Front Ka Greg Banares noong 2011 na naganap mismo sa treyning na inilunsad sa Camp Elias Angeles sa Pili, Camarines Sur.
Naganap man ang huling “tortyur bidyu” na lumabas sa social media nitong nakaraang ilang araw, sa isang training camp o pangyayari sa alinmang detatsment ng 9th ID sa kabikolan ay nagpapatunay na isinasalaksak sa kamalayan ng mga treyni o sundalo ang pagsasagawa ng tortyur laban sa sinumang itinuturing nilang kalaban.
Hindi nakapagtataka na magkaroon ng datos na aabot sa 111 na kaso ng tortyur at 55 na kaso ng extra-judicial killings na karamihan ay dumaan muna sa matinding tortyur bago pinatay simula sa taong 2010-2014 sa ilalim ng panunungkulan ni Benigno Simeon Aquino. Sa kabuuan sa Bicol lamang, aabutin sa 1,424 ang iba’t-ibang kaso ng human rights violation na aabot sa 16,232 ang bilang ng mga biktimang sibilyan ayon sa human rights.
Sa panig ng rebolusyonaryong kilusan, isang kataas-taasang alituntunin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang pagsunod sa tatlong (3) pangunahing alituntunin sa disiplina at walong (8) bagay na dapat tandaan. Ang ika-8 sa bagay na dapat tandaan ay “huwag pagmalupitan ang bihag”. Ang mga bihag ay yaong mga sumuko, nadakip at nalagay sa sitwasyong na di makapanlaban sa proseso ng labanan. Kabilang din sa bihag iyong mga inaresto para parusahan o imbistegahan batay sa suspetsang may kontra-rebolusyonaryong kilos at anti-sosyal. Sa kabuuan, ang mga bihag ay palalayain, liban lamang doon sa mga napatunayang karapat-dapat parusahan ng kamatayan.
Pinatunayan sa maraming karanasan, na matapat na tinutupad ng Bagong Hukbong Bayan sa maraming pagkakataon at kaso ng pagkakaroon ng bihag ng digma ang mga alituntuning ito sa disiplina. Ilan lamang sa mga kasong ito ay ang pangangalaga at pagpapalaya sa mga bihag na sina 1st Lt Fidelino, PFC Nemenio 2004, Capt B at Cafgu Riquerey Neo (2014).
Kaya, nananawagan kami sa lahat ng kabataang anak ng mga magsasaka, manggagawa at iba pang uring inaapi sa lipunan na manindigan sa sariling makauring interes.
Gamitin ang talino, tapang at kakayanan para sa paglilingkod sa sambayanan at rebolusyonaryong pagbabago na tunay na hahango sa atin sa papatinding kahirapan at pang-aaping nararanasan sa kasalukuyan.
Para sa mga sundalong anak ng mga anakpawis at may kabutihan pang natitira sa kanilang puso at katinuan, talikdan ang serbisyo sa reaksyunaryong hukbong sandatahan na nagsisilbi lamang sa naghaharing uring nagsasamantala at nang-aapi sa ating mga magulang .
MABUHAY ANG REBOLUSYON!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20141108_9th-idpa-makinarya-sa-karahasan-at-panunupil-ng-us-base-laban-sa-mamamayan
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.