Thursday, October 2, 2014

MILF clan war sumiklab sa Mindanao

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Oct 1): MILF clan war sumiklab sa Mindanao



Ingat na ingat ang MILF sniper nito habang nakasilip sa kanyang Barrett scope sa Maguindanao province. (Mindanao Examiner Photo - Mark Navales)

Patuloy pa rin kahapon ang paglikas ng mga sibilyan sa ilang barangay sa bayan ng Pikit sa North Cotabato dahil sa labanan sa pagitan ng dalawang commander ng Moro Islamic Liberation Front sa lugar.

Sa huling ulat ay mahigit na 500 katao na umano ang lumayas mula sa Barangay Bulol matapos na magsagupaan doon ang grupo nina Commander Makalugi at Commander Solaiman kamakailan lamang.

Hindi pa matiyak ang tumpak na bilang ng mga nasawi at sugatan sa magkabilang panig dahil sa matinding tensyon sa lugar. Dedma lamang ang 6th Infantry Division sa kaguluhan sa pangambang madamay ito sa labanan.

Sinabi naman ng MILF na ginagawan na nito ng paraan upang matigil ang gulo. Nabatid na away sa lupain ang pinag-ugatan ng sagupaan, subali’t matagal na rin umanong may alitan at galit sa isa’t-isa ang dalawang commander.

Nagmistulang rido na rin o clan war ang labanan dahil maging ang mga tauhan ng dalawang magkatunggaling commander ay kanya-kanya na rin upak ang ginagawa sa angkan at pamilya ng bawat isa. 

http://www.mindanaoexaminer.net/2014/10/milf-clan-war-sumiklab-sa-mindanao.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.