Thursday, October 2, 2014

2 NPA tigok sa sagupaan

From the Mindanao Examiner BlogSpot site (Oct 1): 2 NPA tigok sa sagupaan

Dalawang rebeldeng New People’s Army ang kumpirmadong nasawi sa sagupaan nito sa militar sa Surigao City sa Mindanao.

Walang inulat na casualties sa panig ng mga sundalo sa ilalim ng 30th Infantry Battalion, ngunit ipinag-utos naman ng 402nd Infantry Brigade sa tropa ang pagtugis sa NPA.

Natiyempuhan umano ng isang army patrol ang grupo ng mga rebelde sa Barangay Mat-i kamakalawa kung kaya’t nagkaroon ng labanan doon. Nabawi rin ng mga sundalo ang dalawang M16 automatic rifles mula sa nasawing mga rebelled.

Walang inilabas na anumang pahayag ang NPA ukol sa casualties nito, ngunit ilang beses na rin nagbanta ang naturang grupo na mas paiigtingin pa nito ang kanilang opensiba laban sa pamahalaan.

Matagal nang nakikibaka ang mga rebelde upang maitatag ang sariling estado sa bansa sa kabila ng paulit-ulit na peace talks na kadalasan ay nauuwi sa wala dahil sa mga hinihinging demands ng komunistang grupo sa pamahalaan.

http://www.mindanaoexaminer.net/2014/10/2-npa-tigok-sa-sagupaan.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.