Friday, October 17, 2014

CPP/NDF-MAKIBAKA: Kundenahin at parusahan ang sundalong Amerikanong pumaslang kay Jeffrey “Jennifer” Laude! Ibasura ang VFA, EDCA at palayasin ang mga sundalong Amerikano sa Pilipinas!

MAKABAK/NDF propaganda statement posted to the CPP Website (Oct 16): Kundenahin at parusahan ang sundalong Amerikanong pumaslang kay Jeffrey “Jennifer” Laude! Ibasura ang VFA, EDCA at palayasin ang mga sundalong Amerikano sa Pilipinas!
Logo.makibaka
Rosa Barros
Spokesperson
MAKI Mt. Sierra Madre Chapter (MAKIBAKA - Mt. Sierra Madre Southern Tagalog)
 
Mariing kinukundena ng MAKIBAKA- Balangay sa Bundok Sierra Madre sa Timog Katagalugan ang brutal na pagpaslang kay Jeffrey “Jennifer” Laude, isang tansgender, ni US Marine Private First Class (PFC.) Joseph Scott Pemberton noong Oktubre 11 ng gabi sa Celzone Lodge, isang motel sa Olongapo City. Ipaabot din namin ang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni Jennifer.

Makahayop at napakabrutal ng pagpaslang ang ginawa ng sundalong Amerikano si Pemberton kay Jennifer Laude na ayon sa ulat sa resulta ng medico legal examination ay namatay sa pagkalunod sa inudoro.

Inginudngod sa inodoro ni Pemberton si Laude hanggang sa ito ay malunod at mamamatay. Marami ring pasa sa katawan si Laude, palatandaan na siya ay binugbog muna bago nilunod sa inudoro ni Pemberton.

Ang ginawang pagpaslang ni PFC Pemberton kay Jennifer Laude ay atake sa sektor ng Lesbian, Gays, Bisexual at Transgenders (LGBT) at maging sa lahat ng kababaihan na ginagawang libangan ng mga sundalong Amerikano sa kanilang “rest and recreation” sa Pilipinas. Ginawang laruan ng sundalong Amerikano ang buhay ng inosenteng sibilyan at walang-kagatul-gatol na inutas si Jennifer. Pagpapakita ito ng kawalan ng respeto at pagpapahalaga sa buhay ng mga inosenteng sibilyan sa panig ng mga tropang militar, na naglilingkod sa atas ng among Imperyalista, at sinanay para pumatay. Kaya naging saglit lang ang buhay ni Jennifer sa kamay ng sundalong Amerika.

Si PFC Pemberton ng 2nd Battalion, 9th Marines na nakabase sa Camp Lejeune, North Carolina, USA ay kabilang sa mahigit 4,000 mga sundalong Amerikano na lumahok sa taunang “Phiblex Navy Exercise”, isang bahagi ng BALIKATAN Exercise, na ginanap mula Septyembre 29 hanggang Oktubre 10, 2014 sa lalawigan ng Palawan at Zambales bilang bahagi ng ehersisyong military sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA). Si Pembertong at lulan ng barkong pandigmang USS Pelelie na panasamantalang nakadaong sa Subic, Olongapo City para sa rest ang recreation”.

Ang sekswal na karahasan at iba pang krimen laban sa mamayang Pilipino ng mga sundalong Amerikano ay lalo pang lalala dahilan sa kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at VFA na nagbigay pahintulot sa lumalaking presensya ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas. Sa nakaraang mga taon ay nasalaula na ang soberanya ng Pilipinas dahilan sa pagpasok ng mga sundalong Amerikano alinsunod sa mga di-pantay na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos tulad ng Mutual Defense Treaty, VFA at EDCA. Sariwa pa sa atin ang karanasang pangaggahasa ni US Lance Corporal Daniel Smith kay “Nicole” ng 2005 at nahatulan noong 2009 subalit hinayaan makatakas pauwi sa US ng ilalim ng Rehimeng US-Arroyo. Saksi din tayo sa di pagpapanagot sa kanilang krimen sa Pilipinas ng mga sundalong amerikano. Kabilang dito ang pagkabaril ng sundalong Amerikano na si Reggie Lane kay Buyong-buyong Isnijal noong July 24, 2002 sa Basilan na hindi naipasailalim sa paglilitis at kagyat na pinatakas patungo sa Estados Unidos. Maging ang drayber ng taksi sa Cebu na si Marcelo Batistil na binugbog ng 3 sundalong Amerikano ay hindi nakatikim ng katarungan dahil kagyat na pinatakas ang nasabing mga sundalong Amerikanong nambugbog sa kanya. Napaulat din ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga sundalong Amerikano na nakabase sa Zamboanga City na hindi napaparusahan. Lumalaganap din ang prostiusyon sa Olongapo, Zamboanga at sa alinmang bayan na madalas puntahan ng mga sundalong Amerikano.

Sa ilalim ng Rehimeng US-BS Aquino, aabot na sa halos 300 barkong pandigma ang pumasok sa karagatan ng Pilipinas. Saksi ang sambayanang Pilipino sa malalang pinsala ng ating yamang-dagat nang sudsurin ng barkong pandigma ng US, ang USS Guardian, ang Tubbataha Reef, ang palihim pero lantad na pagtatayo ng labag sa Konstitusyon ng Pilipinas na baseng militar ng Kano sa Ulugan at Oyster Bay sa Palawan, bukod sa malayang paglipad-lipad sa ating kalawakan ng mga spy planes ng mga Amerikano Sundalo at mga pagsanib at pagdidirihe nila sa sundalong Pilipino habang nasa operasyong kombat.

Kinukundena rin namin ang malinaw na maka-amerikanong tindig ng rehimeng US-Aquino na sa halip na kagyat na tulungan at suportahan ang pamilya ni Jennifer Laude para magkaroon ng hustisya ang brutal na pagpaslang dito ay nagkokorus pa mga tagapagsalita ng Malacanang at mga alipores nito sa Department of Foreign Affairs (DFA), AFP, at maging ang militaristang si Sendor Antonio Trillianes sa pagtatanggol sa VFA, sa EDCA at sa hindi pagpursige sa pagkuha sa kustodya ni US Marine PFC. Pemberton.

Sa ganito ay nananawagan kami sa buong sambayanang Pilipino na ibigay ang lahat ng suporta sa pamilya at mga kaibigan ni Jeffrey Laude sa kanilang pakikibaka para sa pagkakaroon ng katarangan. Walang aasahan ang pamilya ng biktima sa gobyernong BS Aquino at sa Gobyerno at pwersang military ng US na tiyak na gagawin ang lahat upang mailibre ang kanilang tauhan at hindi maparusahan sa kanyang kasalanan.

Sinusuportahan namin ang pusisyon ni Senador Miriam Santiago at ng mga progresibong mambabatas na nagmamahal sa soberanya ng Pilipinas na dapat nang ibasura ang VFA at dapat panagutin sa kanilang krimen ang mga sundalong Amerikano.

Dapat ding managot ang Rehimeng US-BS Aquino sa pagkatuta sa among Imperyalistang US na pinapayagang yurakan ang soberanya ng Pilipinas. Dapat gawin ng lahat ng kababaihan at LGBT kasama ang sambayanang Pilipino na patuloy na ilantad at labanan ang pagiging tuta ng Kano ng Rehimeng Aquino. Ang mga karahasang sekswal at pang-aabuso ng mga sundalong Amerikano ay mawawakasan lamang kapag nawakasan na ang paghahari ng imperyalismong US at mga Alipores nito sa Pilipinas. Sa kasalukuyang panahon, nararapat at napapanahon na kumilos para patalsikin ang tuta ng US na rehimeng BS Aquino at palitan ito ng isang gobyernong nagtataguyod sa interes ng kababaihan, ng mga LGBT at ng buong sambayanang Pilipino. Kaisa niyo ang lahat ng kababaihan sa saklaw ng Bundok Sierra Madre sa Timog Katagalugan. Kasama ang iba pang aping sektor ng lipunan ay nanawagan ang kami sa lahat ng kababaihan at LGBT na sumapi sa Bagong Hukbong Bayan (NPA) at masigasig na kumilos para ibasura ang VFA, EDCA, MDT at ibagsak ang Rehimeng US-BS Aquino.

KATARUNGAN PARA KAY JEFFREY “JENNIFER” LAUDE!
IBASURA ANG VFA, EDCA, MDT!
PALAYASIN ANG MGA SUNDALONG AMERIKANO SA PILIPINAS!
IBAGSAK ANG REHIMENG US-AQUINO!

http://www.philippinerevolution.net/statements/20141016_kundenahin-at-parusahan-ang-sundalong-amerikanong-pumaslang-kay-jeffrey-jennifer-laude-ibasura-ang-vfa-edca-at-palayasin-ang-mga-sundalong-amerikano-sa-pilipinas

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.