Ka Lorena Rosal
Spokesperson
MAKI Laguna Chapter (Makibaka - Laguna)
Spokesperson
MAKI Laguna Chapter (Makibaka - Laguna)
Ang Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA)-Laguna ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya’t mga kaibigan ni Jeffrey “Jennifer” Laude, at taas-kamaong nagpupugay sa kanilang katapangan – kabilang ang mga testigo at iba pang gumagalang at nagmamahal sa mga “may piniling kasarian” – para ipaglaban ang katarungan sa pagkamatay nito.
Tanging sa isang malaya at makatarungang lipunang hinubog ng rebolusyonaryong pagbabago mapapawi ang karahasan tulad ng dinanas nina Jennifer, “Nicole” at iba pang kababaihan at mamamayang naging biktima ng terorismo ng estado at Imperyalismong Kano (United States).
Bunga ng maka-US at militaristang kasunduang Visiting Forces Agreement (VFA) at ang huling nilagdaan nitong taon na Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng papet na rehimen ni BS Aquino at Presidente Obama ng US, garapalang ginagawang training ground ang Pilipinas ng mga mersenaryo na tinatrato ang mga sibilyan na parang ibon at baboy-damong sinisipat upang barilin, o di kaya’y mga laruan at kagamitan na kapag kinainisan ay basta na lang ibabalibag at aalisan ng dangal hanggang sa mautas.
Mariin nating kondenahin ang mga asal-hayop na sundalo ng estadong nagtatanggol sa Imperyalismong US, Pyudalismo’t Burukrata Kapitalismo; idagdag pa ang “machismo” at dekadenteng kulturang yumuyurak sa dangal ng kababaihan at LGBT (lesbians, gays, bisexuals, transgenders) o ’yung mga may piniling kasarian.
Pumutok sa panahon ni Gloria Arroyo ang panggagahasa ng sundalong Kano na si Lance Corporal Daniel Smith sa Pilipinang si Nicole. Sa pagmamaniobra sa kaso at panggigipit sa biktima, nalantad ang garapal na sabwatan ng papet na rehimeng Arroyo at Imperyalismong US nang pinakawalan at alisan ng kriminal na pananagutan ang hinatulang maysala na si Smith.
Pinakahuli ang sinapit ni Jennifer noong Oktubre 11. Pinaslang siya ng sundalo ng US Navy na si Joseph Scott Pemberton nang matuklasan ang ka-date ay may piniling kasarian at hindi pala tunay na babae. Ang ganitong brutalidad na iniluwal ng labis na pagkamuhi sa mga katulad ni Jennifer ay patunay na utak-berdugo ang mga sundalong sinasanay sa pasistang panunupil.
Mataas ang pagkilala’t pagpapahalaga ng rebolusyonaryong kilusan sa mga may piniling kasarian. Hindi mapasusubalian ang naging ambag nila sa pagsusulong ng matagalang digmang bayan sa ilalim ng pamumuno ng muling tatag na Partido Komunista ng Pilipinas (Marxismo-Leninismo-Maoismo). Patuloy na lumalahok ang sektor na ito sa rebolusyon at nagkokonsolida sa diwa ng paglilingkod sa sambayanan.
Sa kabilang banda, pinapatatag ng Imperyalismong US ang kontra-mamamayang Oplan Bayanihan ni BS Aquino sa pamamagitan ng kasunduang VFA at EDCA. Sa Laguna, sa tabing ng kampanyang “peace and development”, isinasagawa ng 1st IB at 202nd Brigade sa ilalim ng 2nd ID na nakabase sa Tanay, Rizal ang Civil-Military Operations (CMO) sa paanan ng Bundok Sierra Madre at balisbisan ng Bundok Banahaw na batbat ng karahasang militar at malawakang paglabag sa karapatang pantao.
Simula noong 2012, ipinapatawag sa detatsment ng Philippine Army ang mga lokal na opisyales at taumbaryo upang takutin at pagbintangang mga NPA o supporter nito. Binabastos ang kababaihan at sapilitang dinadala sa mga detatsment nang labag sa kalooban nila, lalo’t higit ng mga asawang tumutupi sa harap ng mga armalayt at masinggan ng sundalo.
Pinakamasahol ang pagmasaker sa ilang kabataang namamaniki at namamalaka sa may hangganan ng Magdalena at Majayjay. Sa isang operasyong kombat, niratrat ng Special Forces hanggang mamatay sina Jessie Perez at Christian Noceto habang sugatan sina Francis Abanilla at Geno Banez na pawang mga menor de edad. Nang walang matunton na NPA sa kabundukang ito, pinaglaruan ang mga inosenteng sibilyan na inihihingi ng katarungan hanggang sa kasalukuyan ng mga ina at kapamilya ng mga biktima.
Katulad ng kababaihan sa balisbisan ng Bundok Sierra Madre at Banahaw na dumaranas ng kawalang kapayapaan at naghuhumiyaw ng hustisya, dapat ilantad at labanan ang pandarahas kay Jennifer at iba pang kabaro at kababayang biniktima ng pasismo ng estado.
Ibagsak ang Rehimeng US-BS Aquino!
Kababaihan at kabataan, sumapi sa NPA! Lumahok sa Digmang Bayan!
Ibasura ang VFA, EDCA at Oplan Bayanihan!
Tropang militar ng US at AFP, palayasin!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20141019_katarungan-para-kay-jennifer-laude-at-iba-pang-biktima-ng-karahasang-militar

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.