Wednesday, January 15, 2014

MBLT-1 sa Cotabato may bagong commander na

From the Mindanao Examiner blog site (Jan 14): MBLT-1 sa Cotabato may bagong commander na (MBLT-1 in Cotabato has a new commander)



Pormal ng umupo sa kanyang puwesto si Lt. Col. Ronaldo Juan bilang bagong hepe ng Philippine Marines sa Cotabato City sa Mindanao.

Pinalitan ni Juan si Col. Custodio Parcon, Jr, bilang commander ng Marine Battalion Landing Team 1, na itinalaga naman sa Palawan province.

Mismong si Philippine Marines Commandant, Maj. Gen. Romeo Tanalgo, ay nagtungo sa Cotabato City upang pangunahan ang turn-over ceremony.

Nagpasalamat naman si Parcon sa pamunuan ng Philippine Marines at maging sa pamahalaang-lokal at publiko sa suportang ibinigay sa MBLT-1 sa ilalim ng kanyang liderato.

Gayun rin si Juan, nagpasalamat rin ito kay Tanalgo sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya bilang bagong commander ng MBLT-1. Nangako naman si Juan na lalo pang pagiibayuhin nito ang kanyang pamunuan sa Cotabato City.

Malaki ang naitutulong ng MBLT-1 sa peace and order situation sa Cotabato City at sa ibat-ibang programa ng Philippine Marines na naaayon sa isinusulong ng Armed Forces of the Philippines at ng pamahalaang Aquino.







Ang turn-over of command ng Marine Battalion Landing Team 1 sa Cotabato City sa Mindanao na kung saan ay itinalaga si Lt. Col. Ronaldo Juan bilang hepe ng Philippine Marines doon.  Pinalitan ni Juan si Col. Custodio Parcon, Jr. (Mindanao Examiner Photo – Mark Navales)

http://mindanaoexaminer.blogspot.com/2014/01/mblt-1-sa-cotabato-may-bagong-commander.html

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.