Crispin Apolinario
NPA West Cagayan Front Operations Command (Danilo Ben Command)
Disyembre 26, 2013
Pinarusahan ng isang tim ng mga
partisano ng Danilo Ben Command – NPA West Cagayan si Sgt. Edimar Vinoya, intel
ng 17th IB sa Cagayan. Nangyari ang pamamarusa noong ika-23 ng Disyembre,
alas-tres ng hapon sa Brgy. Tubel, Allacapan, Cagayan.
[Sgt. Edimar Vinoya, (intelligence agent) of the 17th IB in Cagayan was punished by a team of partisans from the Danilo Ben Command - NPA West Cagayan on 23 December at three o'clock in the afternoon in Brgy. Tubel, Allacapan, Cagayan.]
Ang pamamarusa ay hatol mismo ng mamamayang pinagbantaan at sinaywar ni Vinoya sa panahong siya ay intel ng 17th IB hanggang hugutin siya ng 21st IB nang ang huli’y maidestino sa probinsya.
May mga kaso rin ng paglabag sa karapatang-tao si Vinoya. Kabilang dito ang harassment at intimidasyon, random interrogation sa mga pinaghihinalaan niyang sumusuporta sa NPA at pagmamanman sa mga lider-magsasaka.
Pinasinungaling naman ng tagapagsalita ang pahayag ng AFP na nakadestino si Vinoya sa Kalinga at nagbabakasyon lamang para sa kapaskuhan. Sa katunayan, noong mga buwan ng Hunyo hanggang Oktubre, kasama pa si Vinoya na nag-gayd sa nag-ooperasyong tropa ng 21st IB sa Allacapan at sa panahon namang walang operasyon ay malayang nakakaikot sa bayan. Ayon kay Ka Crispin Apolinario, narekober pa mula kay Vinoya ang dalawang granada.
Pinabulaanan din ni Apolinario ang bintang ng AFP na nilabag ng BHB ang idineklarang tigil-putukan sa kapaskuhan. Ang isinagawang aksyon ng yunit ng BHB ay isinagawa bago nagkabisa ang naturang deklarasyong ng Komite Sentral ng PKP para sa panahon ng kapaskuhan at para mabigyang ng pagkakataon ang mamamayan na makadalo sa mga pagdiriwang ng ika-45 anibersaryo ng Partido.
Pinasalamatan ng DBC-NPA ang mga mamamayan na tumulong upang maipataw ang rebolusyonaryong hustisya kay Vinoya. Hinikayat ni Apolinario na maging matapang ang mamamayan na sampahan ng kaso at isumbong sa NPA ang mga abusadong pulis at militar. Nagpaalala rin ito sa pulisya’t militar na pagsilbihan nila ang kanilang uring pinanggalingan at makiisa sa mga magsasaka.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.