Posted to the CPP Website (Dec 9):
Isang kasapi ng CAFGU-AFP, sumuko sa Demokratikong Gobyernong Bayan! Pinalaya sa batayang makatao, matapos mangakong tuluyang lilisanin ang CAFGU-AFP at magbabagong buhay na! (A member of the CAFGU-AFP surrendered to the Democratic People's Government! Released on humanitarian grounds, after promise to eventually leave the CAFGU-AFP and promise to change life!)
Macario Liwanag (Ka Karyo)
Spokesperson
NPA Rizal Provincial Operations Command (Narciso Antazo Aramil Command)
Isang aktibong kasapi ng CAFGU ang sumuko sa demokratikong gobyernong bayan ng lalawigan ng Rizal. Ang nasabing CAFGU ay kasapi ng 3rd Rizal CAA Company.Sumapi siya sa CAFGU sa pangako ng AFP na gaganda ang buhay ng mga sibilyang sasapi ditto at aktibong lalabanan ang CPP-NPA-NDFP. Sumapi siya sa CAFGU noon 2001 at aktibong kasapi nito hanggang sa magpasya siyang pakinggan ang kanyang mga kamag-anak na umalis na sa CAFGU at sumuko sa rebolusyonaryong kilusan upang makapamuhay ng malaya sa piling ng kanyang pamilya sa Rodriguez, Rizal.
Naganap ang kanyang pagsuko noong Nobyembre 24, 2013. Pansamantala siyang bininbin, at inimbistigahan. Lumitaw sa imbestigasyon na ang kanyang mga naging kasalanan sa mamamayan ay bahagi ng kanyang pagtupad sa kanyang tungkulin at mga atas sa kanya ng kanyang mga opisyal sa CAFGU-AFP at hindi magmemerito na parusahan siya ng mabigat ng rebolusyonaryong hukumang bayan.
Ayon sa kanya ay hindi umunlad ang kanyang buhay at lagi lang siyang nasa bingit ng kamatayan sa loob ng halos 12 taong serbisyo niya sa CAFGU-AFP. Sa kanyang saslaysay ay binanggit niya na ang kumikita lang ng malaki ay ang kanilang mga handler/comptroller na mga regular na sundalong kasapi ng 59th Infantry Battalion-PA na kumukurakot sa sahod ng mga kasaping CAFGU na hindi na pumapasok subalit nananatiling nasa payroll. Laging ring delayed ang kanilang sahod ng halos 3 buwan at hindi rin binibigay sa kanila ang kanilang mga benepisyo. Biktima rin sila ng pang-aabuso at pananakit ng mga regular na sundalo na ayon sa kanya ay ginagawa lang silang pambala ng kanyon at pangpain sa mga kasapi ng NPA na kapag nasusugatan o nagkakaso dahil sa pagtupad sa serrbisyo ay iniiwan na lang sa ere o pinapabayaan ng mga opisyal ng AFP. Sa ganitong kalagayan ay pinagpasyahan niyang sumuko sa rebolusyonaryong kilusan at magbagong buhay na.
Matapos maberipika ang mga datos at mapatunayang wala siyang malalang kasong kriminal sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan ay pinagpasyahang palayain. Kapalit ng pagpapalaya sa kanya ay kusang loob siyang nangako na hindi na babalik sa serbisyo sa CAFGU-AFP, hihikayatin sa kanyang mga kamag-anak na umalis na rin sa pagiging CAFGU at aktibong makikipagtulungan sa rebolusyonaryong kilusan laban sa pang-aabuso at panunupil sa mamamayan ng kanyang mga dating kasamahan sa CAFGU at AFP. Pinalaya siya at ibinigay sa kanyang mga kapamilya at kaibigan noong hapon ng Nob. 24, 2013 sa teritoryong saklaw ng sonang gerilya sa lalawigan ng Rizal.
Ang pagsukong ito ng kagawad ng CAFGU sa rebolusyoryong kilusan at ang pagpapalaya sa kanya ay pagpapakita ng patuloy na paglakas ng pampulitikang impluwensya ng CPP-NPA-NDFP sa hanay ng ,ga mamamayan sa lalawigan ng Rizal. Pagpapakita rin ito ng pagiging makatwiran, makatarungan at makatao ng rebolusyonaryong kilusan na laging handang magbigay ng puwang at pagkakakataon sa sinumang kasapi ng CAFGU-AFP-PNP na handang tumalikod sa mersenaryong katangian nito at tapat na maglingkod sa mamamayang Pilipino.
Malinaw ding pinapakita nito ang kabiguan ng rehimeng US-Aquino at ang kanyang OPLAN BAYANIHAN na durugin ang rebolusyonaryong kilusan taliwas sa pinangangalandakan ng mga matataas na opisyal ng AFP-PNP. Sa halip na madurog ay lalong lumalakas ang pampulitikang impluwensya nito. Kaya’t sa mga susunod na araw at buwan ay madaragdagan ang mga kasapi ng CAFGU na susuko, lilipat at tuluyang aalis sa serbisyo upang tapat na maglingkod sa mamamayan kasama o katuwang ang Bagong Hukbong Bayan sa lalawigan ng Rizal.
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG NATIONAL DEMOCRATIC FRONT OF THE PHILIPPINES!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20131209_isang-kasapi-ng-cafgu-afp-sumuko-sa-demokratikong-gobyernong-bayan-pinalaya-sa-batayang-makatao-matapos-mangakong-tuluyang-lilisanin-ang-cafgu-afp-at-magbabagong-buhay-na
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.