Eduardo Labrador
Spokesperson
Southern Tagalog Regonal Chapter (PKM)
Kakambal ng balitang pagkagunaw ng mundo ngayong araw, Disyembre 21, ang prediksyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mauubos na ang New People’s Army (NPA) sa pagtatapos ng taong 2012 sa South Quezon at Bondoc Peninsula (SQBP).
(Along with the doomsday news today, December 21, are the predictions of the Armed Forces of the Philippines (AFP) that it would run the New People's Army (NPA) out of South Bangalore and Bondoc Peninsula (SQBP) by the end of the year 2012.)
Matatandaang nagpahayag si Gen. Eduardo Año noong Hunyo na ‘zero NPA at insurgent-free’ na ang buong probinsya ng Quezon bago magsara ang taon at diumano’y matagal nang nasa ‘christmas wishlist’ ng reaksyunaryong gobyerno ito.
(What Gen. Eduardo Ano said in June that the entire province of Quezon would be 'zero NPA and insurgent-free' before the close of the year is just part of a long 'Christmas wishlist' of this reactionary government.)
Ngunit ayon sa pahayag na ipinamahagi sa isang lightning rally sa Mendiola ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM) ay “kabaligtaran ang nangyayari sa mga larangang gerilyang inaatake ng Oplan Bayanihan ng AFP.”
(But according to a statement distributed at a lightning rally at Mendiola by the National Confederation of Peasants (PKM) "the opposite occurred in many areas as the guerrillas attacked Oplan Bayanihan of the AFP.")
Ayon kay Eduardo Labrador, tagapagsalita ng PKM, miyembrong samahan ng National Democratic Front sa Southern Tagalog (NDF-ST), “mahigit sa isang platun ang kabuuang bilang ng bagong-sampang mandirigma at kadre ng NPA sa nakalipas na tatlong buwan sa mga larangan ng SQBP pa lamang. Resulta ito ng masiglang pagtugon ng rebolusyonaryong masa sa mga larangan sa panawagan ng Communist Party of the Philippines (CPP) na pakamahalin at itaguyod ang NPA.”.....
(According to Eduardo Labrador, spokesman of the PKM, a member organization of the National Democratic Front in Southern Tagalog (NDF-ST), "more than a platoon of fighters and cadres of the NPA have been fielded in many areas of the SQBP in the past three months. This is the result of a dynamic response of the revolutionary masses in the field to the call of the Communist Party of the Philippines (CPP) to cherish and promote the NPA. ".......)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.