Sunday, June 16, 2024

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: Dagdag na kaso, isinampa laban sa 6 na aktibistang inaresto sa rali noong Mayo Uno

Ang Bayan Daily News & Analysis (Tagalog edition) propaganda article posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) PRWC Website (Jun 16, 2024): Dagdag na kaso, isinampa laban sa 6 na aktibistang inaresto sa rali noong Mayo Uno (Additional charges were filed against 6 activists who were arrested at the rally on May 1st)
 





June 16, 2024

Nagsampa ng karagdagang kasong kriminal ang mga tauhan ng Manila Police Disitrict (MPD) laban sa anim na aktibistang inaresto sa isang rali noong Mayo 1 malapit sa embahada ng US sa Maynila. Sinampahan ang mga aktibista ng kasong malicious mischief, dagdag sa dating mga kasong iligal na asembliya (paglabag sa Batas Pambansa 880) at direct assault.

Inaresto ang anim na kabataan noong Mayo 1 habang nagpuprotesta laban sa Balikatan war games. Pinagtulung-tulungan silang inaresto ng mga pulis, kinaladkad sa sasakyan nito at isang linggong ikinulong. Nakalaya lamang ang mga aktibista noong Mayo 7, matapos magbayad ng kabuuang pyansang ₱252,000.

Sa desisyon ng prosekyutor sa Maynila noong Mayo 28, isinampa sa kanila ang malicious mischief dahil sa paratang ng pagsira sa kagamitan ng mga pulis. Samantala, ibinasura nito ang reklamong disobedience laban sa anim.

Kinundena ng Defend CAMANAVA, alyansa ng mga tagapagtanggol ng karapatang-tao, ang pagsasampa ng MPD ng tinawag nitong mga gawa-gawang kaso laban sa mga aktibista. Matatandaang inireklamo rin nila at ng iba pang mga grupo ang mabagal at sinasabi nilang sadyang pinatagal na pagproseso sa kaso at petisyon para sa pyansa ng mga biktima noong Mayo.

Samantala, wala pang anunsyo ang mga grupo sa karapatang-tao kaugnay ng nauna nilang ipinahayag na planong pagsasampa ng kontra-asunto laban sa mga elemento ng pulis na sangkot sa marahas na pagbuwag sa protesta at piskalya na humawak ng kaso dahil sa sadyang pag-antala sa paglalabas ng resolusyon sa kaso.

Apat sa mga biktima ay mga estudyante mula sa University of the Philippines habang ang dalawa ay mga aktibista ng Anakbayan-South Caloocan at Defend CAMANAVA.

https://philippinerevolution.nu/angbayan/dagdag-na-kaso-isinampa-laban-sa-6-na-aktibistang-inaresto-sa-rali-noong-mayo-uno/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.