June 14, 2024
Isang 16-anyos na estudyante ang binaril at napatay ng 7th IB noong Hunyo 9 sa Sityo Kiluding, Barangay Kiadsam, Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. Pinatay ng mga sundalo si Kuni Cuba, isang Grade 9 na estudyante. Pauwi siya kasama ang kanyang kapatid at dalawang kaibigan nang mangyari ang pamamaslang.
Ayon sa mga ulat, tatlong metro ang layo nina Cuba at kanyang mga kasamahan sa nag-ooperasyong yunit ng 7th IB nang utusan sila ng mga sundalo na “umatras” bago pinaputukan. Agad na tinamaan si Cuba, habang nakatakbo sa katabing maisan ang tatlo niyang kasama. Tinamnan ng ripleng Garand ang bangkay ni Cuba at pinalabas siyang myembro ng Bagong Hukbong Bayan.
Pinasinungalingan ng pamilya ni Kuni ang paratang ng militar. Anila, isa lamang siyang ordinaryong estudyante na ang pangarap ay makatapos ng pag-aaral.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/16-anyos-na-estudyante-pinatay-ng-militar-sa-sultan-kudarat/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.