Nagsagawa ng dalawang araw na pagsasanay sa cyber-skills development ang Philippine Army nitong weekend sa Fort Bonifacio, Taguig.
Ang pagsasanay ay nilahukan ng walong team na binubuo ng mga opisyal, enlisted personnel, mga estudyante, at sibilyang eksperto.
Dito’y nagsanay ang mga kalahok sa pag-apply ng theoretical na kaalaman sa mga praktikal na aplikasyon.
Layon ng pagsasanay na mapahusay ang kaalaman ng mga kalahok sa cybersecurity at mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng militar, academe, at sibilyang komunidad sa pagtugon sa mga banta sa cyber domain.
Sinabi ni Army Signal Regiment Commander Brigadier General Alejandro Papa na ang aktibidad ay nagsisilbi ding showcase ng kakayahan ng Philippine Army na ipagtanggol ang interes ng bansa sa cyberspace. | ulat ni Leo Sarne
SSg. Cesar Lopez PA/OACPA
https://radyopilipinas.ph/2024/02/kakayahan-ng-philippine-army-sa-cyber-warfare-itinanghal-sa-cyber-skills-development-activity/?fbclid=IwAR2_Y7T2lrpPfbcsiV3GeXXQR-X_JvI4WYJBOUTGxCDRpD06I4Aifu4UgjQ
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.