Patnubay de Guia
Spokesperson
NDF-Southern Tagalog
National Democratic Front of the Philippines
February 13, 2024
Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang karumal-dumal na pamamaslang ng 2nd Infantry Battalion Philippine Army (IBPA) kina Pedro Regala, 78, at Florencia Regala, 67, sa Barangay Toboran, Cawayan, Masbate noong Pebrero 5. Sila ay dinukot mula sa kanilang tahanan, dinala sa lilblib na lugar, at pagkatapos paulit-ulit na pagbabarilin ay tinamnan ng armas para palabasing NPA.
Mga halimaw at uhaw sa dugo ang 2nd IBPA sa pagpaslang sa mga Regala. Sina Lolo Pedro at Lola Florencia ay wala nang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili. Bukod sa pasakit na dulot sa mga kapamilya ng mag-asawang Regala, salot sa lipunan ang mga militar na naiulat na lulong sa droga nang ginawa ang krimen.
Tahasang nilabag ng 2nd IBPA ang International Humanitarian Law (IHL) at ang prinsipyo nitong pag-iiba sa pagitan ng mga sibilyan at kombatant. Dapat kilalanin ang mag-asawang Regala bilang sibilyan sa ilalim ng IHL at hindi gawing target-militar. Walang kredibilidad ang rehimen na pumosturang makatao sa harap ng patong-patong na kaso ng pagpatay sa mga sibilyan at panawagang hustisya ng kanilang pamilya.
Hindi na bago sa rekord ng AFP at rehimeng US-Marcos II ang magsagawa ng `killing spree’ sa hanay ng karaniwang mamamayan. Noong Hulyo 26, 2022, pinaslang ng 59th IBPA ang magsasakang may kapansanan sa pag-iisip na si Maximino Digno, 52, sa Barangay Cahil, Calaca City, Batangas. Matapos gawin ang krimen, pinalabas din siyang NPA. Ganito rin ang modus sa mga sibilyang sina Pretty Sheine Anacta, 19, at Rose Jane Agda, 30, nang paslangin ng parehong yunit militar sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas noong Disyembre 17, 2023. Pagkatapos paslangin ay tinamnan ng baril ang kanilang labi. Si Rose Jane ay pinangalanang `Ka Binhi’ sa pahayag ng 2nd Infantry Division kahit na kinilala siya ng mga kaanak. Hindi pa nangimi, pinagsamantalahan pa ang nasawing si Rose Jane. Hindi rin makakalimutan ng mamamayan ang pagmasaker ng 94th IBPA sa pamilya Fausto ng Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong Hunyo 14, 2023. Pinatay rito ang mag-asawang Roly at Emilda, at dalawang anak na sina Ravin at Ben na mga menor-de-edad. Sila’y pamilyang magsasaka na nakikibaka para sa karapatan sa lupa.
Maruming taktika ng kontra-rebolusyonaryong gera ng reaksyunaryong estado ang pagpatay sa mga sibilyan at pagbabansag sa kanila bilang mga NPA upang pagtakpan ang kanilang krimen. Hinalaw nila ang iskemang ito sa Counter-insurgency Guide ng imperyalismong US. Walang pinipiling biktima ang mga berdugo, bata man o matanda, may kapansanan, at walang kapasidad lumaban sa pagkahayok na madurog ang rebolusyonaryong kilusan. Desperasyon ito ng estado upang palabasin na nagtatagumpay ang kanilang kampanyang paglipol sa armadong rebolusyonaryong paglaban na pinangungunahan ng CPP-NPA. Niloloko lamang nila ang kanilang sarili at ginagatungan ang poot ng mamamayan sa bulok na estado dahil sa kanilang mga atrosidad.
Karapat-dapat kamuhian ng sambayanang Pilipino ang pasista-teroristang rehimeng US-Marcos II. Libu-libong mamamayan ang mag-aalsa at sasanib sa rebolusyon upang singilin ang mapang-aping estado. Sa pagtatagumpay lamang ng digmang bayan ganap nating makakamit ang tunay na katarungan para sa mga biktima ng karahasan at krimen ng estado laban sa mamamayan.
https://philippinerevolution.nu/statements/hustisya-para-sa-mag-asawang-regala-panagutin-ang-afp-at-us-marcos-ii-sa-kanilang-killing-spree/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.