Thursday, February 15, 2024

81st Inf Bn: Encounter between the army and a terrorist group in the town of Bula

From the Philippine Army 81st Infantry Battalion Facebook Page (Feb 13, 2024): Engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan at teroristang grupo sa Bayan ng Bula (Encounter between the army and a terrorist group in the town of Bula)

Isang sagupaan ang naganap sa pagitan ng teroristang grupo at 81st Infantry Battalion sa Brgy. La Purisima, Bula, Camarines Sur ngayong araw, ika-12 ng Pebrero, taong kasalukuyan.

Dahil sa mga sumbong ng mga mamamayan ukol sa presensya ng mga teroristang grupo sa lugar, agad na kumilos ang kasundaluhan na nagresulta sa isang engkwentro laban sa teroristang grupo. Nakatakas ang mga ito sa iba't ibang direksiyon matapos ang bakbakan na tumagal ng humigit-kumulang dalawampung minuto at naiwan nila ang isang improvised explosive device (IED), kalahating sako ng bigas, mga kagamitang panluto, at iba pang mga gamit.

Nagpasalamat naman si Lt. Col. Julio D. Binuhhi, Commanding Officer ng 81IB, sa tulong at kooperasyon ng mga residente sa pagbibigay ng agarang impormasyon sa kinaroroonan ng mga nasabing terorista. Dagdag pa niya ang panawagan sa mga natitirang miyembro ng mga teroristang grupo na sumuko at magbalik loob na sa ating gobyerno, tangkilikin ang programang E-CLIP ng pamahalaan, at mamuhay ng mapayapa kasama ang kanilang pamilya.







https://www.facebook.com/81InfantryBatallion/posts/pfbid0MWGxpCFX2CfgGaK6ByPLUfsnjcHuNknWyEZM7eTD5vt76YEaz6cKFtApeiHDGwsRl?fbclid=IwAR0IFhX2sAoQoOqFa73DwUYylsI5akxK3bhorZQfSYkG6_09kEbIgKSpZ5U

https://www.facebook.com/81InfantryBatallion

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.