Thursday, August 17, 2023

Hinihinalang kuta ng mga rebelde natagpuan sa Mountain Province

 From ABS-CBN (Aug 17, 2023): Hinihinalang kuta ng mga rebelde natagpuan sa Mountain Province (Suspected rebel stronghold found in Mountain Province)





Kuha mula sa PNP Mountain Province PIO FB Page

(UPDATE) Nadiskubre ng mga pulis ang isang hinihinalang kuta ng New People’s Army sa Besao, Mountain Province nitong Miyerkules.

Nagsasagawa ng reconnaissance at combat patrol operation ang mga tauhan ng Mountain Province Police Provincial Office nang matuklasan ang hinihinalang kuta ng mga rebelde sa bahagi ng Suquib sa nasabing bayan.

Read: AFP: Only one active NPA guerrilla front remaining in Philippines

Nakuha umano doon ang medical kits, communication devices, iba’t ibang bandila na may markings, mga damit, mga personal na gamit at ilang dokumento.

Kasama rin umano sa nakuha ang isang M16 na baril, mga bala, magazine at isang galon ng gasolina.
- Ulat ni Harris Julio

https://news.abs-cbn.com/news/08/17/23/hinihinalang-npa-camp-natagpuan-sa-mountain-province

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.