Tuesday, May 9, 2023

Kalinaw News: Isa sa teroristang NPA na nasawi sa engwentro sa Cagayan nailibing na habang ang sia naiuwi na ng kanyang pamilya

From Kalinaw News (May 9, 2023): Isa sa teroristang NPA na nasawi sa engwentro sa Cagayan nailibing na habang ang sia naiuwi na ng kanyang pamilya (One of the NPA terrorists who died in the encounter in Cagayan has been buried while his family has returned home)



Hindi man naging maayos ang sinapit ng dalawang teroristang NPA na nasawi sa engkwentro sa Sta Teresita, Cagayan, karapatan nilang maasikaso at mabigyan ng disenteng lamay at libing sa huling pagkakataon.

Kahapon, Mayo 8, 2023 si alyas Aldy ay inilibing na sa Centro West Public Cemetery sa Buguey, Cagayan. Gaya ng karaniwang libing, pinabasbasan ang kanyang mga labi sa isang pari bago tuluyang inilagak sa sementeryo.

Si alyas Aldy na tubong Isabela ay kinilala mismo ng kanyang mga dating kasama sa armadong grupo at hanggang sa ngayon ay sinisikap ng mga otoridad na alamin ang tunay na pagkakakilanlan nito.

Samantala, inuwi na rin ng kanyang pamilya sa kalakhang Maynila ang mga labi ni alyas Morga.

Mismong ang ama nito ang tumanggap sa bangkay nito at nagdesisyong ipacremate na lamang bago iwui.

Bagaman bakas ng hinagpis sa mukha ng ama ni alyas Morga dahil sa mga pangyayari na hindi halos sukat akalain na sa ganitong sitwasyon makakasamang muli ang anak, ipaparamdam nila ang pagmamahal sa huling pagkakataon.

Sa tulong ng Lokal na Pamahalaan at pulisya ng Buguey, naging maayos ang proseso ng libing ni alyas Aldy at pagpapasakamay sa mga magulang at kapatid sa bangkay ni Alyas Morga.

Patuloy pa rin ang panawagan ng PTF-ELCAC sa probinsya ng Cagayan sa mga natitira pang kasapi ng Komunistang Teroristang NPA na huwag nang hintayin na may mabuwis na namang buhay para lamang sa maling pinaglalaban.




[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City.]

https://www.kalinawnews.com/isa-sa-teroristang-npa-na-nasawi-sa-engwentro-sa-cagayan-nailibing-na-habang-ang-isa-naiuwi-na-ng-kanyang-pamilya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.