Sunday, February 19, 2023

Opinion: Punto mo//Kapatid ng financier ng ISIS, timbog sa failed bombing try!

Opinion piece posted to the Philippine Star (Feb 20, 2023): Punto mo//Kapatid ng financier ng ISIS, timbog sa failed bombing try! (Your point//ISIS financier's brother, accused of failed bombing attempt!) (DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa) 

NAPURNADA ang plano ng teroristang Abu Sayyaf na magsagawa ng bombing operation sa Zamboanga City matapos masakote ng mga ahensiya ng gobyerno ang isa nilang mi­yembro, na umano’y kapatid ng financier ng ISIS o Al-Qaida.

Ayon kay ret. Maj. Gen. Gilbert Cruz, Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang tropa nii Jomar Mohammad ay nagtangkang magpasabog ng bomba bilang diversion sa plano nilang itakas ang kanilang nakakulong na kasamahan. Sa kasamaang palad, nakatakas si Mohammad subalit nakorner naman ang kasamahan n’yang si Omar Mabanza. Hehehe! Mabuti’t di “nanlaban”, di ba mga kosa?

Personal na pinangasiwaan ni Cruz ang mga tauhan nina PRO12 director Brig. Gen. Jimili Macaraeg at Col. Alexander Lorenzo, ng 74th IB ng Philippine Army para mahuli si Mabanza. Ayon kay Cruz, si Mabanza ay kapatid ni Myrna Ajijul Mabanza na wanted ng UN Security Council at US Department of Treasury dahil sangkot ito sa “financing, planning, facilitating, preparing o perpetrating acts of activities,” ng Islamic State, Levant (ISIL) o Al-Qaida sa Iraq. Abayyyyyy, “big fish” pala itong nadale ng tropa nina Cruz, Macaraeg at Lorenzo, ‘no mga kosa? Hehehe!

Nabawasan na naman ang mga terorista na nagpapasakit ng ulo ng gobyerno ng Pinas, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hindi masabi ni Cruz kung saan galing ang intelligence report nila sa bombing run ng Abu Sayyaf sa pangambang masira ang follow up operation nila na ang target ay mas malaki pa kay Mabanza. Subalit iginiit niya na na-monitor nila ang tropa ni Mohammad na dumating sa Bgy. Calabasa sa Zamboanga City para magsagawa ng bombing run. Kaya lang, hindi naaktuhan ng tropa ng gobyerno si Mohammad subalit nakorner naman si Mabanza, na malaking isda pala, sa operation na inilunsad sa Sitio Sapa Dulian, Bgy. Calabasa.

Ayon pa kay Cruz, ang bombing run ng teroristang Abu Sayyaf ay diversionary tactics lamang para i-rescue ang kanilang high-profile leaders na sina Abu Sari at Sahid Alip na kasalukuyang nakakulong sa San Ramon Penal Colony. Dipugaaaaa! Hehehe! Imbes na mabawasan ang problema ng militar at pulisya ay madagdagan pa sana kung nagtagumpay ang rescue plan ng tropa ni Mabanza. Mismooooo!

Nakuha sa posisyon ni Mabanza ang mga sangkap ng bomba na time fuse, detonating cord, blasting cap, tin can na naglalaman ng explosive, concrete nail size 4, 14 pieces UT scrap metal, improvised mechanical time fuse, 9 bolt Everyday battery, battery snap color blue, 8 pieces 7.6mm (link), isang container at leather bag.

Pinuri ni Cruz ang 84th at 85th SAC, RDB at 55th SAC, ng Special Action Force; 1st ZCMFC, 2nd ZCFMC, SIU, CIU, CECU9, PCTC, PS2, ZCPO, TFZ at 74th IB, City director ng Zamboanga City, at Zamboanga City Police Office sa matagumpay ng operation na walang nasugatan man lang sa kanila. Eh di wow!

Hehehe! Kapag natulong-tulong talaga ang militar at pulisya may magandang resulta talaga, di ba mga kosa? Abangan!

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2023/02/20/2246211/kapatid-ng-financier-ng-isis-timbog-sa-failed-bombing-try

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.