December 31, 2022
Nagsama-sama at nagtirik ng kandila sa isang protesta ang iba’t ibang organisasyon sa pamumuno ng Sandugo – Movement of Moro and Indigenous Peoples for Self-Determination sa Philcoa, Quezon City kahapon para manawagan ng hustisya para sa lahat ng biktima ng pagmasaker ng mga sundalo at pulis sa siyam na Tumadok noong Disyembre 30, 2020.
Dalawang taon na ang nakalilipas nang nireyd ng pinagsanib na pwersang militar at pulis ang maraming komunidad ng Tapaz, Capiz at Calinog, Iloilo kung saan pinatay ang siyam na lider-Tumandok at inaresto ang 17 iba pa. Ang mga komunidad na ito at katutubong Tumandok ay tumututol sa proyektong Jalaur Mega Dam na magpapalayas sa 17,000 residente at maglulubog sa kanilang mga barangay.
Ayon kay Eufemia Cullamat, tagapagsalita ng grupong Sandugo, “Bago sila minasaker, pinuntirya ng mga dayuhang korporasyon ang kanilang lupang ninuno…” Giit niya at ng Sandugo ang hustisya para sa mga biktima at kaanak nila matapos ang dalawang taon.
Samantala sa Iloilo City, inilunsad ng grupong Defend Panay Network kahapon ang librong “Land and Life: The Tumandok People of Panay and their Struggle” na inialay sa alaala ng mga biktima ng masaker. Nagbigay ng mga pahayag ng pakikiisa ang iba’t ibang organisasyon sa programa.
https://philippinerevolution.nu/angbayan/hustisya-sa-mga-biktima-ng-tumadok-massacre-patuloy-na-iginigiit/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.