From Kalinaw News (Jul 10, 2022): Karagdagang limang bangkay ng mga miyembro ng teroristang grupo nahukay (An additional five bodies of members of the terrorist group were exhumed)
Karagdagang limang bangkay ng mga miyembro ng Communist Terrorist Group ang muling nahukay ng kasundaluhan nang ika-08 ng Hulyo taong kasalukuyan sa Barangay Canadam, Maconacon, Isabela.
Sa tulong ng mga Former Rebels na nagbigay ng impormasyon sa 502nd Infantry Brigade agad kumilos ang kasunduhan ng 95th Infantry Battalion. Kanilang nahukay ang mga bangkay nina alyas Rigid/Mawin, Commanding Officer ng Front Operation Command (FOC), alyas Brad/Airus, Vice Commanding Officer ng FOC, alyas Dondon, Vice Squad Leader ng Squad Uno, alyas Monmon, miyembro ng Squad Uno at alyas Bambo, miyembro ng Squad Dos, ng Komite Probinsya Isabela, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.
Matatandaan na noong ika-tatlo ng Hulyo, nahukay naman ang mga bangkay nina alyas Eloy, 1st Deputy Secretary, alyas Bryan, at alyas Marco, kapwa mga miyembro ng Squad Dos.
Batay sa naging rebelasyon ng mga Former Rebels, ang kanilang mga dating kasamahan ay namatay dahil sa hidwaan ukol sa pamumuno sa kanilang organisasyon. Dahil sa hindi pagkakasundo, nagawang patayin ng mga ito ang isa’t-isa.
“Ang hindi nila pagkakasundo-sundo sa loob ng kanilang organisasyon ay manipestasyon na rin ng pagkakawatak-watak ng kanilang samahan. Hindi na rin magtatagal ay sila na mismo ang magpapabagsak sa kanilang organisasyon,” pahayag ni LtC Carlos Sangdaan Jr., Battalion Commander ng 95IB.
Dagdag pa ni LtC Sangdaan na ang basta na ang paglilibing ng mga naiwang miyembro ng teroristang grupo sa kanilang mga lider ay pahiwatig din ng kanilang mga hindi makataong gawain.
Sa kabilang banda, ang Lokal na Pamahalaan ng Maconacon ang nagbigay ng disenteng libing sa natagpuang walong bangkay.
Samantala, inihayag naman ni BGen Danilo D Benavides, Brigade Commander ng 502nd Brigade na mas paiigtingin pa ng kanilang hanay ang isinasagawang opensiba laban sa mga natitirang miyembro ng teroristang grupo.
Muli naman niyang hinikayat ang mga nalalabing miyembro na magbalik-loob na sa pamahalaan.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/karagdagang-limang-bangkay-ng-mga-miyembro-ng-teroristang-grupo-nahukay/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.