From the Mindanao Examiner (May 29, 2022): Kampo ng BIFF, binomba (BIFF camp, bombed)
Kinumpirma ng militar na dalawang miyembro ng teroristang grupo na Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang napatay sa bayan ng Datu Salibo sa magulang lalawigan n Maguindanao matapos na bombahin ng 6th Infantry Division ang kuta ng pro-ISIS group.Sinabi ni Brig. Gen. Eduardo Gubat, ang acting commander ng 6th Infantry Division at Joint Task Force Central, na nasawi sa atake ng militar si Abdul Patir at Sadam Salandang at may tinatayang 17 ang sugatan, kabilang na ang kanilang lider na Abu Turaife.
Bagama’t sugatan ay Nakatakas naman ang gupo ni Turaife. Isinagawa ang pambobomba sa grupo ng BIFF kamakailan, subali’t ngayon lamang ito inilahad ng militar matapos na makumpirma ang bilang ng mga casualties sa panig ng mga terorista.
“Tiniyak naman natin na hindi malalagay sa peligro ang buhay ng mga residente dahil sa pagnanais ng ating kalaban na maglagi sila sa lugar. Siniguro naman ng ating mga kasundalohan na nasusunod parin ang karapatang pantao na pinapairal natin. Hindi lamang sa mga residente pati na sa mga nakasagupa ng ating pwersa,” ani Gubat.
May panawagan naman ang Heneral sa mga natitirang myembro ng BIFF at iba pang mga grupo na sumuko na lamang ng mapapayapa at magbagong-buhay at tutulungan umano sila ng pamahalaan.
“Those weakened BIFF-Karialan Faction members who remain entangled in their twisted violent ideology and terroristic ways must surrender now as the JTFC will always be relentless in its operations and we will hunt them down until the last terrorist element is prevented from waging violence and intimidation to our peace-loving communities in the province of Maguindanao,” wika pa ni Gubat sa mga ayaw sumuko.
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/2022/05/kampo-ng-biff-binomba.html
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.