Sunday, May 22, 2022

Kalinaw News: Bakbakan sa Surigao del Norte, Sumiklab, Kampo na kubkub, Armas at Kagamitan ng mga Teroristang NPA nakumpiska

Posted to Kalinaw News (May 16, 2022): Bakbakan sa Surigao del Norte, Sumiklab, Kampo na kubkub, Armas at Kagamitan ng mga Teroristang NPA nakumpiska (Clashes in Surigao del Norte, Outbreak, Siege camps, Weapons and Equipment of NPA Terrorists Confiscated)



Gigaquit, Surigao del Norte- Nagkabakbakan nitong linggo ang tropa ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army at grupo ng mga teroristang New People’s Army o NPA sa hindi kalayuang lugar ng Barangay Pungtod sa bayan ng Bacuag, Surigao del Norte dakong ika-anim at kwarenta’y singko ng umaga (6:45 AM) nitong ika-15 ng Mayo 2022.

Nangyari ang sagupaan habang nagsasagawa ng patrolya ang mga tropa ng 30IB pagkatapos makatanggap ng sumbong mula sa mga residente hinggil sa presensya umano ng teroristang grupo ng NPA kung saan sila ay nananakot at sapilitang nanghihingi ng pagkain sa mga mamamayan sa nasabing lugar at nang biglang tambangan sila ng armadong grupo na nagkakampo sa nasabing lugar, kung kaya agad namang gumanti ng putok ang mga kasundaluhan na umabot sa mahigit kumulang na trenta (30) minutos ang palitan ng putok.
Pinaniniwalaan na mula sa Sandatahang Yunit Pangpropaganda (SYP) 16C2 at 16C1 ng Guerilla Front 16, Northeastern Mindanao Regional Party Committee (NEMRC) na pimumunoan nina Alberto Castañeda @JD at Roel Neniel @ Jacob ang grupo ng NPA na nakasagupa ng tropa ng pamahalaan na umatras din pagkatapos silang makubkob.

Nasamsam ng kasundaluhan ang isang Cal 5.56mm AR15 rifle, isang M203 Grenade Launcher, labin-tatlong (30) pirasong mga bala ng AK47 rifle, labin-dalawang (20) pirasong mga bala ng M16 rifle, isang detonating device para sa iligal na pampasabog o improvised explosive device (IED), subersibong dokumento at mga personal na kagamitan ng mga rebelde.

Kung matatandaan, kaparehong grupo ng teroristang NPA ang nakasagupa din ng kasundaluhan ng pamahalaan sa karatig na lugar sa Brgy Payapag, Bacuag, Surigao del Norte nitong ika-28 sa buwan ng Abril 2022 na kung saan nakuhaan din ang NPA ng mga iba’t ibang kagamitang personal at pandigma.
Muling nagpahayag si Lt Col Ryan Charles Callanta, ang pinuno ng 30IB sa kanyang pasasalamat sa mga mamamayan na tumutulong sa pagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga Teroristang NPA.

“Nagpapasalamat po ako sa tiwala at suporta ng mga mamamayan sa walang humpay na pagbibigay ng mga impormasyon na kadahilanan upang palagi nating matunton ang grupo ng mga teroristang NPA kahit saan pa sila magtago sa anumang lugar dito sa Surigao del Norte”.

“Nagpapatunay lamang na ang mga mamamayan ay sawang-sawang na sa pangingikil at pananakot ng mga NPA. Kung kaya’t habang maaga pa, ina-anyayahan ko rin ang mga natitira pang miyembro ng NPA na kung maaari bumalik na sila sa kanilang mga kapamilya habang may pagkakataon pa sila. Sana huwag na nilang hintayin na huli na ang lahat.”



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/bakbakan-sa-surigao-del-norte-sumiklab-kampo-na-kubkub-armas-at-kagamitan-ng-mga-teroristang-npa-nakumpiska/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.