Wednesday, March 2, 2022

Kalinaw News: Mga IED at mga baril natagpuan ng kasundaluhan ng 73IB, katulong ang mga former rebels

Posted to Kalinaw News (Mar 2, 2022): Mga IED at mga baril natagpuan ng kasundaluhan ng 73IB, katulong ang mga former rebels



Malita, Davao Occidental – Natagpuan ng kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion ang mga Improvised Explosive Devices (IEDs), dalawang baril ng Carbine at isang baril ng M16 sa So. Bagyang, Brgy Upper Suyan, Malapatan, Sarangani Province nitong ika-28 ng Pebrero 2022.

Nagkaroon ng rebelasyon ang mga dating rebelde na sina Marlyn Bago aka Che-Che at Remydio Sambilad aka Yoyong/Boyaks. Kasama ang kasundaluhan, natagpuan nila ang dalawang IED na may bigat na 60kls, dalawang Carbine at M16 na baril. Napag-alaman na ang 2 rebelde ay sumuko noong buwan ng Disyembre 2021.

Sa pahayag ni Lieutenant Colonel ANTONIO F QUIMADO JR INF (GSC) PA, kanyang ipinarating ang pasasalamat sa pagtulong ng dalawa sa mga kasundaluhan. “Hindi magiging posible ang tagumpay na aming nakamit kung hindi dahil sa tulong ng ating mga former rebels. Kanilang naramdaman ang pagmamalasakit ng gobyerno sa kanilang pagbabagong buhay kung kaya’t, naibahagi nila ang ganitong mga impormasyon”.

Kamakailan ay nagbahagi ang lokal na pamahalaan ng Davao Occidental ng tulong pinansyal bilang panimula sa kanilang ninanais na kabuhayan.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/mga-ied-at-mga-baril-natagpuan-ng-kasundaluhan-ng-73ib-katulong-ang-mga-former-rebels/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.