Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army
March 20, 2022
Itinatakwil ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang taksil sa rebolusyon at mamamayang Palaweño na si Justine Kate Raca o kilala bilang “Ka Celin”. Sa kanyang mulat na pagpapagamit sa kontra-rebolusyonaryong pakana ng AFP-PNP at rehimeng Duterte, ganap na niyang tinalikuran ang rebolusyonaryong simulain at sinumpaan sa rebolusyon—isang kataksilan upang itiwalag sa Partido, hukbo at rebolusyonaryong kilusan.
Si Raca ay buhay na negatibong halimbawa ng elementong nabigong maghubog ng sariling pananaw at paninindigang rebolusyonaryo at tuluyang nagpakabulok sa kontra-rebolusyonaryong kataksilan. Para iligtas ang sarili naatim niyang ipagkanulo ang masa na nagtaguyod sa kanya sa gitna ng mga kahirapan at ang kilusan na naging karamay nya sa gitna ng mga sakripisyo at mahirap na mga sandali. Pagkaraang isuko ang sarili sa mga mersenaryong tropa matapos mapahiwalay sa isang labanan sa Brgy. Tinitian, Roxas noong Disyembre 10, 2021, napakabilis niyang talikdan ang rebolusyon at walang pag-aatubiling ipinagkanulo ang rebolusyon at mamamayan para isalba ang sarili. Si Raca ay isang hunyango na mabilis magpalit ng kulay ng balat. Sa kanyang pagpapakasangkapan sa kontra-rebolusyonaryong gera ng AFP-PNP, may mukha pa itong humarap sa masang Palaweño para sapilitang pasukuin, maghasik ng kasinungalingan, magpakalat ng pekeng balita at disimpormasyon sa hanay ng mamamayan.
Sa landas na pinili ni Raca, labis siyang kinamumuhian at isinusuka ng rebolusyonaryong mamamayan sa Palawan, sa rehiyon at buong bansa. Siya ay larawan ng isang oportunistang nagpapakasangkapan at nasilaw sa mga hugkag na pangako ng rehimen sa mga taksil sa rebolusyon. Pinawalangsaysay niya ang sakripisyong inilaan ng mga Palaweño sa pagtataguyod sa kanya sa harap ng paninibasib ng WESCOM at PNP-MIMAROPA sa kanayunan.
Hindi dapat manghinayang ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayan sa Palawan at buong rehiyon sa sasandakot na taksil na katulad ni Raca. Hindi nito kailanman mapasusubalian ang wastong landas ng rebolusyon ni madudungisan ang dalisay na hangarin ng CPP-NPA-NDFP sa pagpapalaya ng sambayanan anumang kasinungalingan ang ihasik ng mga ito sa bayan. Nalalantad sila bilang mga walang kahihiyang traydor sa harap ng mga taumbayan. Higit silang kinasusuklaman lalo ng mga biktima ng terorismo ng estado dahil sa pagpanig sa mga mersenaryo at sagadsaring kaaway sa uri na maraming inutang na dugo sa bayan.
Samantala, nakatatak na sa kasaysayan ang kapalaran ng lahat ng mga taksil at reaksyunaryong lumalaban sa interes ng mamamayan. Itatapon sila sa basurahan ng kasaysayan. Hindi malayong matulad si Raca at iba pang katulad niya ang sinapit ng mga naunang taksil sa rebolusyon na matapos magpagamit at mapakinabangan ay dinispatsa ng mga militar at pulis sa bandang huli.
Nararapat na patuloy na ilantad ang mga kasinungalingan ng AFP-PNP at ang madugong rekord nila sa bayan. Magpunyagi sa pakikibaka ang mga rebolusyonaryong pwersa sa Palawan at rehiyon sa harap ng papatinding atake ng AFP-PNP. Paigtingin ang armadong pakikibaka sa kanayunan at parusahan ang mga sagadsaring pasista at mga kasabwat nitong pahirap sa sambayanan.###
https://cpp.ph/statements/itakwil-ang-traydor-na-si-justine-kate-raca/

No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.