Saturday, March 26, 2022

CPP/Ang Bayan Daily News & Analysis: 14 na motorsiklong pag-aari ng mga sundalo at tauhang CAFGU, winasak ng BHB

Ang Bayan Daily News & Analysis online propaganda posted to the PRWC Newsroom, the blog site of the Communist Party of the Philippines (CPP) Information Bureau (Mar 25, 2022): 14 na motorsiklong pag-aari ng mga sundalo at tauhang CAFGU, winasak ng BHB (14 motorcycles belonging to CAFGU soldiers and personnel were destroyed by the NPA)






March 25, 2022

Winasak ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Napoleon Tumagtang Command ang 14 na motorsiklong pag-aari ng mga elemento ng CAFGU at regular na sundalo na nagugwardya sa kumpanyang Century Peak sa Sityo Insobrehan, Barangay Igcabugao, Igbaras, Iloilo noong Marso 21. Kilala ang kumpanya ng Century Peak sa paglabag sa karapatan ng mga manggagawa nito at pagkakait ng sapat na sahod at benepisyo.

Pinasinungalingan ni Ka Ariston Remus, tagapagsalita ng yunit ng BHB, ang pinakakalat ng 3rd ID na pag-aari ng mga sibilyan ang naturang mga motorsiklo. Ayon kay Ka Ariston, ang pekeng balita na ito ay para pagtakpan ang pagkatalo ng mga sundalo.

“Maid-id nga ginpanilagan sang mga kaupod ang lugar para maseguro ang target kag wala sang madalahig nga propyedad sang sibilyan,” salaysay ni Ka Ariston. (Masugid na sinubaybayan ng mga kasama ang lugar upang tiyaking walang madamay na pag-aari ng mga sibilyan.)

Isinagawa ang armadong aksyon laban sa mga pang-aabuso at operasyon ng CAFGU at sundalo kabilang na ang pagbabantay sa mga kagamitan ng Century Peak sa kabila ng mga kasalanan nito sa sambayanan. Dati nang pinarusahan ng BHB ang kumpanyang Century Peak noong Disyembre 2015 dahil sa hindi pagbibigay ng kumpensasyon sa mga magsasaka at residenteng naapektuhan ng kanilang mga proyekto.

Ang armadong aksyon ay inilunsad ilang linggo matapos ideklara ng Armed Forces of the Philippines na nagtatagumpay sila laban sa rebolusyonarying kilusan sa isla ng Panay. Ayon sa mga sundalo, 142 ang kabuuang napasuko, naaresto at napaslang nito sa kanilang kampanya. Ang totoo, mga sibiliyang magsasaka at katutubong Tumandok na kanilang binibiktma. Pinakatampok sa kanilang mga krimen ang pagmasaker sa mga Tumandok noong huling bahagi ng 2020.

https://cpp.ph/angbayan/14-na-motorsiklong-pag-aari-ng-mga-sundalo-at-tauhang-cafgu-winasak-ng-bhb/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.